Bahay ni lola nagliyab

Bahay ni lola nagliyab

November 20, 2022 @ 10:28 AM 2 weeks ago


ILOCOS SUR – Humigit-kumulang sa P200,000 ang halaga ng nasirang gamit ng isang lola sa Brgy. San Gaspar, Salcedo Ilocos Sur ng lalawigang ito kagabi, Nobyembre 19, matapos na matupok ng apoy ang kanilang bahay.

Kinilala ng Salcedo Municipal Police Station ang may-ari ng bahay na si Levi Lata y Cordova, 68, may asawa.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang Salcedo MPS mula sa isang concerned citizen tungkol sa nasusunog na bahay sa nabanggit na lugar kaya agad na nakipag-coordinate ang PNP sa BFP Salcedo.

Mabilis namang rumesponde ang mga miyembro ng BFP Salcedo at pati na rin ang mga miyembro ng PNP pero pagdating nila ay nilamon na ng apoy ang buong bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa ito sa light materials.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng BFP Salcedo, lumalabas na ang dahilan ng sunog ay ang napabayaang niluluto.

Walang naiulat na nasaktan sa naturang insidente. Rolando S. Gamoso