Bahay ni-raid, mag-live-in partner nasamsaman ng shabu, mga armas

Bahay ni-raid, mag-live-in partner nasamsaman ng shabu, mga armas

September 15, 2020 @ 12:10 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Ilocos Sur – Humigit-kumulang sa 108 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad nang salakayin ang bahay ng isang mag-live-in partner sa Brgy. Quezon, Cabugao ng lalawigang ito.

Kinilala ng Cabugao Police ang mag-live-in na sina Rodel Ayco Aquino at Donna Sonido Salom, kapwa residente ng naturang lugar.

Ang dalawa ay parehong high value target ng PDEA.

Bukod sa hinihinalang shabu na tinatayang nasa P1,080,000 ang halaga at nakalagay sa 27 sachet, nakumpiska rin mula sa bahay ng mga suspek ang isang cal. 22 magnum na may kargang anim na  bala , 26 bala ng cal. 22 magnum, limang bala ng  cal. 38 pistol, isang weighing scale, dalawang lighter, dalawang cellphone, isang gunting at cash.

Ang search operation ay ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng  RPDEU1/RID (lead unit), PDEA-RO1, ISPO, ISPIU/PDEU, San Juan PS, Cabugao PS,  3rd Platoon ISPMFC, at Cabugao Maritime Police Precinct sa bisa ng search warrant na inilabas ni Hon. Judge Cecilia Corazon Dulay-Archog, ng 1st Judicial Region, RTC Branch 21, Vigan City, Ilocos Sur.

Naaresto sa naturang operasyon si Donna habang nakatakas naman si Rodel.

Ang naarestong suspect at pati na ang mga nakumpiskang item ay nasa kustodya ngayon ng Cabugao Municipal Police Station. Rolando S. Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...