Bajao bagong PH Army vice commander

Bajao bagong PH Army vice commander

October 21, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Army nitong Biyernes, Oktubre 21 ang pagtatalaga kay Maj. Gen. Adonis Bajao bilang bagong vice commander ng ahensya.

Pinalitan nito si Maj. Gen. Camilo Ligayo na itinalaga naman bilang pinuno ng Eastern Visayas-based 8th Infantry Division

Bago maging vice commander, nagsilbi si Bajao bilang Internal Auditor ng Armed Forces of the Philippines at nagkaroon din ng pwesto bilang assistant division commander ng 9th Infantry Division; commander ng 1002nd Infantry Brigade; commander ng Joint Task Force General Santos ng 10th Infantry Division; at 8th Infantry Division assistant chief-of-staff for civil-military operations (CMO).

Siya rin ay naglingkod bilang chief-of-staff for operations sa opisina ng AFP.

Si Bajao ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1989 at nagtapos ng Doctor of Public Administration degree sa University of the Philippines at Master in Public Management Major in Development Security sa Development Academy of the Philippines.

“I am confident that Maj. Gen. Bajao as the new vice commander of the PA will continue the good work and bring to completion the necessary policies in the command,” mensahe ni Army commander, Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., kasabay ng installation ceremony ni Bajao nitong Miyerkules, Oktubre 19 sa Army headquarters sa Fort Bonifacio. RNT/JGC