Baka hindi iboto? Mga senador takot mag-sponsor ng TRAIN 2

Baka hindi iboto? Mga senador takot mag-sponsor ng TRAIN 2

July 30, 2018 @ 5:01 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kubinsido ang Malakanyang na election season na kaya’t nangangamba ang mga senador na mag-sponsor ng package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law (TRAIN 2).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naiindintihan ng Malakanyang ang mga senador lalo na ang mga reelections sa pangambang hindi na manalo sa susunod na eleksyon.

Aniya, mali ang akala ng mga senador na magpapahirap sa taong bayan ang isinusulong na package 2 ng TRAIN law dahil layunin nitong maibaba ang corporate tax.

Tanging ang Pilipinas aniya ang may mataas na corporate tax kumpara sa mga kapitbahay na bansa sa Asia.

Ani Sec. Roque na walang dapat na ikatakot ang mga senador dahil hindi magiging pahirap sa bayan ang TRAIN 2.

Magugunitang nakalusot na sa Kongreso ang naturang panukala habang walang senador ang may gustong pumatol dito. (Kris Jose)