Bakbakan sa pagitan ng sundalo at NPA, sumiklab

Bakbakan sa pagitan ng sundalo at NPA, sumiklab

July 27, 2018 @ 10:06 PM 4 years ago


 

Quezon – Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang bakbakan nang mga miyembro ng 85th Infantry Battalion Philippine Army at grupo ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) na nagsimula kaninang alas-5 ng hapon (July 27,2018) sa kabundukan ng Barangay San Isidro, Padre Burgos, Quezon.

Base sa impormasyon ni 1Lt. Randy Bobis, CO, Charlie Coy 85th Infantry Battalion Philippine Army kung saan naka-engkuwentro ng kanyang mga tauhan ang grupo ng hinihinalang NPA at ilan sa mga miyembro ng mga terorista ang hinihinalang sugatan.

Kaagad na ipinag-utos sa lahat ng stations at public safety units na maging alerto, samantalang nagsagawa naman ng round the clock checkpoint Oplan Sita Operations sa kanilang mga nasasakupang lugar ang mga tauhan ng Quezon Police Mobile Force Company City Police Stations at Municipal Police Stations, nakipag koordinasyon na din sa tanggapan ng AFP counter parts, target hardening, ASCP and Intel Monitoring.

Nagsagawa na rin ng monitoring sa mga hospitals at clinics sa lahat ng lugar na posibleng may mga pasyenteng dalhin na sugatan mula sa panig ng NPA. (Ellen Apostol)