Bakbakan sa  PSC’s 8th Women’s Martial Arts Festival, sisipa na

Bakbakan sa  PSC’s 8th Women’s Martial Arts Festival, sisipa na

November 10, 2022 @ 3:07 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Ito ay magiging labanan para sa pinakamahusay na Filipina martial artists sa pagsiklaba ng Philippine Sports Commission (PSC) – 8th edition ng Women’s Martial Arts Festival simula ngayong Sabado, Nobyembre 12 sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

“Napakaespesyal nito para sa amin dahil ito ang kauna-unahang major Women in Sports program sa ilalim ng aking pagbabantay mula nang ako ay italaga bilang isang Commissioner ng PSC. Gayundin, ito ang panahon na muli nating bubuksan ang ating mga pasilidad sa palakasan para sa ating pangunahing kaganapan ngayong buwan mula noong pandemya,” sabi ni PSC oversight Commissioner Olivia “Bong” Coo.

Kabilang sa mga nangungunang pambansang atleta na aabangan sa anim na araw na sportsfest ay sina World Taekwondo at Southeast Asian Games champion Jocel Ninobla, 2021 IFMA World Muaythai Championships double gold medalist Islay Erika Bomogao, 19th World Pencak Silat silver medalist Hannah Mae Ibutnande, SEA Games Pencak Silat queen Francine Padios, among others.

Ang Filipina grappler na si Jiah Pingot na nanalo ng mga silver medal noong 2019 at 2021 SEA Games, at may hawak na mga titulo sa National Championships at nakaraang edisyon ng Women’s Festival ay sumasali rin sa wrestling competition

Babalik din sa yugto ng kompetisyon ang dating SEA Games at Asian Games medalist na si Cherry Mae Regalado, bilang isa sa mga title contender.

“Kami ay nasasabik na tipunin ang aming mga nangungunang atleta sa Pilipinas sa isang kaganapan. Ang sarap sa pakiramdam na panoorin silang gumanap nang live sa sarili nating lupain,” sabi ni Coo.

Inaasahang dadaluhan ni PSC Chairman Jose Emmanuel “Noli” Eala ang opening ceremonies sa Sabado ng 10:00 AM sa RMC, Manila. Ang lahat ng mga kaganapan, kabilang ang pagbubukas ng mga seremonya, ay mai-stream nang live sa PSC at PSC-Women’s Martial Arts Festival Facebook pages.

Mayroong 11 palakasan na lalaruin sa Nobyembre 12 hanggang Nobyembre 17 martial arts festival na may siyam (9) na regular na palakasan katulad ng: Pencak Silat, Wrestling, Sambo, Taekwondo, Muay Thai, Kickboxing, Karate, Jiu Jitsu, at Kurash, at dalawa (2) demonstration sports kabilang ang Arnis at Judo. Ang lahat ng mga kaganapan ay sabay-sabay na lalaruin sa Rizal Memorial Coliseum (RMC), PSC Multipurpose Gym (dating kilala bilang Ninoy Aquino Stadium) at Philippine Judo Federation Dojo, na pawang PSC-operated facilities sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate , Maynila.

Sinusuportahan ng GO21 Incorporated ang kaganapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga meryenda para sa pagbubukas at pagsasara ng mga seremonya habang ang Pocari Sweat – Otsuka Solar Philippines Incorporated ay nananatiling kasosyo ng proyekto.RICO NAVARRO