SC sa Ombudsman: Bank accounts ni Erap busisiin na

July 1, 2022 @9:25 AM
Views:
2
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Korte Suprema (SC) sa Office of the Ombudsman na ituloy ang imbestigasyon sa bank accounts ni dating Pangulong Joseph Estrada at ng kanyang mga umano’y mistresses.
Sa isang desisyon na isinapubliko noong Huwebes, ibinasura ng SC ang petisyon na inihain ng Philippine National Bank, na iginiit na nagkamali ang Court of Appeals (CA) sa hatol nito noong 2006 na tinanggihan ang kanilang pakiusap na pigilan ang Ombudsman na pilitin si Estrada at ang kanyang diumano’y mistresses na ilabas ang kanilang mga bank account.
Ang bank records nina dating San Juan City mayor Guia Gomez, Laarni Enriquez, Joy Melendrez, Peachy Osorio, Rowena Lopez, Kevin o Kelvin Garcia at Jose Velarde ang mga paksa ng pagsisiyasat ng Ombudsman sa pagsisikap nitong imbestigahan si Estrada matapos itong magbitiw bilang pangulo noong 2001.
Sinabi ng SC na walang kapangyarihan ang CA na suriin ang mga utos at desisyon na ginawa ng Ombudsman na kinasasangkutan ng mga kasong kriminal o hindi pang-administratibo.
“Established is the rule that the CA has jurisdiction over orders, directives, and decisions of the OMB (Ombudsman) in administrative disciplinary cases only,” saad sa desisyon.
Binigyang-diin ng SC na si Estrada ay nahatulan ng kasong kriminal matapos itong mapatunayang guilty sa plunder.
Binanggit din sa desisyon na sa kabila ng pagpapanumbalik ng mga karapatang sibil at pampulitika ni Estrada matapos siyang bigyan ng executive clemency ng kanyang kahalili na si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007, maaari pa ring ituloy ng Ombudsman ang pagsisiyasat nito sa mga bank account ng dating pangulo at ng kanyang mga umano’y mistress.
Idinagdag ng SC na may awtoridad ang Ombudsman na tingnan ang mga bank account ng mga pampublikong opisyal at empleyado na iniimbestigahan ng gobyerno.
“The prevailing doctrine is that the OMB may examine and access bank accounts and records in their investigation, even without a pending litigation,” giit pa sa desisyon. RNT
Papal Nuncio: Karanasan sa gobyerno bitbit ni PBBM vs mga hamon sa bansa

July 1, 2022 @9:11 AM
Views:
7
MANILA, Philippines – Pinuri ni Archbishop Charles John Brown, ang apostolic nuncio to the Philippines ng Holy See, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, na nagsabing ang bagong nanumpang punong ehekutibo ay makakaasa sa kanyang karanasan sa pamamahala sa pagharap sa mga hamon.
Sinabi ni Brown sa kanyang talumpati sa Vin D’ Honneur sa National Museum of Fine Arts pagkatapos mismo ng mga seremonya ng inagurasyon kahapon, Huwebes na siya at ang iba pang mga Diplomatic Corps ay humihiling na ang Pangulo at ang bansa ay yumabong pa.
At kung may mga hamon na kakaharapin ng administrasyong Marcos, sinabi ni Brown na ang mga taon ng karanasan ng Pangulo sa gobyerno ay magiging kapaki-pakinabang.
“There will certainly be challenges as there are for every administration. But, Mr. President, you bring to the Office of the Presidency an extensive experience of many years in governmental service and your call for unity has resonated deeply and widely with the Filipino people,” sabi ni Brown
“For these reasons, you begin your term as President with a strong note of hope and confidence in the future. May God bless that future and make it fruitful for the good of the nation,” dagdag pa ng Arsobispo.
Tiniyak din ni Brown kay Marcos na tutulungan ng Diplomatic Corps ang kanyang administrasyon na makamit ang mga layunin nito na naglalayong magkaroon ng magandang kinabukasan para sa bansa.
Sinabi pa ni Brown na inilagay ng sambayanang Pilipino ang kanilang tiwala at pag-asa sa Pangulo para sa sa isang maunlad, ligtas, pantay-pantay, at makatarungang kinabukasan kaya ipinangako ang kanilang pakikipagtulingan sa administrasyon sa pagkamit ng tagumpay ng kanyang mandato.
Sa kanyang panig, pinasalamatan naman ng bagong Pangulo ang bansa na nagbigay ng mga mensahe ng pagbati sa pamamagitan ng mga diplomat, na nagsabing napakahalaga para sa mga bansa na magkaisa — tulad ng kanyang panawagan sa kampanya — lalo na sa mga karaniwang layunin tulad ng pagpapalakas ng ekonomiya ng mundo, pagbangon mula sa pandemya ng COVID-19 , at paglaban sa pagbabago ng klima.
“As I think we it is — it has become very clear and I think I may be repeating myself to some of you since we have spoken before, but I still believe that the transformation of the world economy and our recovery from the pandemic will be dependent on our partners and our allies and it will be those partnerships that will strengthen that recovery, that will make a more balanced and stable new global environment for us to work in,” sinabi ni Marcos sa Diplomatic Corps.
“I was especially struck by the importance that all of your countries have come to put on climate change. I believe that it was unanimous, all the ambassadors, all the representatives from the different countries who I have met with — have each made offers of help in terms of mitigation and adaptation to climate change,” dagdag pa ng bagong Pangulo ng bansa.
Sinabi rin ni Marcos na kakailanganin ng kanyang administrasyon ang lahat ng tulong na makukuha nito dahil ang bansa ay nasa isang mahinang posisyon.
“As I mentioned in my speech, it is something that is terribly important simply because for the Philippines, we are very much in the most vulnerable position that many — compared to many other countries. So I thank you all for that,” anang Pangulo.
“And I cannot think of a most — of a better beginning to a new administration than to be able to have determined the partnerships and strengthen the relationships between our countries. And that is something that we will work with very, very clearly,” dagdag pa ni Marcos Jr.
Nauna nang nanumpa si Marcos sa harap ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Alexander Gesmundo, na minarkahan ang pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan — 36 na taon mula noong panunungkulan ng kanyang yumaong ama at kapangalan na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Jocelyn Tabangcura-Domenden
NTF-ELCAC sa NUJP: “Journalism must be in service of truth”

July 1, 2022 @8:56 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Pinaalala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang tunay na misyon ng isang mamamahayag.
“Journalism must always remain in the service of the truth, it should not be subservient to the vested interests of any person or group. Otherwise, it is not journalism in the truest sense of the word. It is already engaging in the realm of propaganda,” ayon kay NTF-ELCAC spokesperson for Legal Affairs Flosemer Chris Gonzales.
Sinabi ng NTF ELCAC na muli kasing inakusahan ng NUJP ang gobyerno ng “harassment, restricting press freedom and silencing journalism.”
Sa ulat, umani ng kritisismo ang pag-block ng National Telecommunications Commission (NTC) sa dalawang news websites at 26 pang iba sa layuning “kontra-terorismo” ng gobyerno — pero ayon sa mga journalist at aktibista, atake ito ng estado sa malayang pamamahayag.
Nagmula ito sa request ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa NTC na i-takedown ang 28 websites sa dahilang “may kaugnayan at sinusuportahan” daw nito ang rebeldeng Communist Party of the Philippines, New People’s Army and National Democratic Front of the Philippines.
Iyon nga lamang, damay din dito ang alternative media sites ng Bulatlat at Pinoy Weekly, na siyang mga lehitimong organisasyon ng mga peryodista na naglalabas ng balita, lathalatin at opinyon. Hindi rin designated bilang terorista ng Anti-Terorism Council ang dalawa.
“Bulatlat, the longest-running and award-winning online media outfit and the authority in human rights reporting in the Philippines, condemns this brazen violation of our right to publish, and of the public’s right to free press and free expression,” sabi ng Bulatlat sa isang pahayag.
Ang buwelta naman ni Gonzales, ang naging pahayag ng NUJP’ ay “discordant response to the issues it raised.”
Aniya pa, may balidong legal grounds ang SEC para ipatigil ang operasyon ng Rappler.
Sa ulat, ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission na ipasara ang online news organization na Rappler. Ayon mismo sa lider ng organisasyon na si Maria Ressa, ang SEC ruling na may petsang Hunyo 28 ay kumpirmasyon ng pagpapatigil sa kanilang operasyon.
Nanindigan ang SEC sa kanilang naunang desisyon noong 2018 na i-revoke ang certificates of incorporation ng Rappler Inc. at Rappler Holdings Corp.
Ayon kay Ressa, itutuloy ng Rappler ang kanilang operasyon sa ngayon habang naghihintay ng pagpapatibay ng Korte.
“In this country of laws, no one is above the law. No one. Definitely not Rappler,” tugon naman ni Gonzales.
Idinagdag pa nito na na may sapat na “cause and reason” ang NTC para ipag-utos ang pag-block sa Bulatlat at Pinoy Weekly.
Ang naging kahilingan aniya ni Esperon sa NTC “is based on undisputed hard facts and evidence [which the NUJP and all other pocket reactionary groups have refused to perceive and understand objectively] that would warrant the issuance of the NTC order”.
Sinabi pa niya na “the regulation of blocktime broadcasting arrangements is a reasonable exercise of regulatory powers by the NTC.”
“freedom of expression and press freedom are very much alive in the country as demonstrated by the fact that the NUJP can react and criticize freely the actions of the government and its agencies,” dagdag na pahayag nito.
“If the NUJP so intends, they can criticize the government on a daily basis but that will not change the fact that the government agencies like the SEC and the NTC have their respective mandates to implement the law and exercise their regulatory powers as allowed under our laws,” aniya pa rin. Kris Jose
CHR nagimbal sa website block, pagpapasara sa Rappler

July 1, 2022 @8:42 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng labis na pagkabahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa desisyon na i-block ang ilang websites at bawiin o ipawalang-bisa ang certificates of incorporation ng news organization na Rappler.
“We caution against censorship or any move similar to it, which harms press freedom and results in a chilling effect that attempts to deter free speech and liberty of association under a democracy,” ayon sa komisyon sa isang kalatas, tinukoy ang naging desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na i-block ang websites ng mga progresibong grupo at news organizations na inakusahan ni outgoing National Security Advisor Hermogenes Esperon Jr. na may koneksyon sa “communist-terrorists,” at ang naging utos ng Securities and Exchange Commission’s (SEC) na ipawalang-bisa o bawiin ang certificates of incorporation ng Rappler.
Binigyang diin ng CHR ang kahalagahan ng “right to information, free speech, and expression” ng mga tao kung saan hangga’t in-exercise ng isang indibiduwal ang kanyang karapatan na hindi lumalabag sa batas ay “any form of curtailment is undue and unjust.”
“Democracy thrives on the free exchange of ideas, including dissent and opposing opinions, that allows everyone to participate in shaping laws and policies for the general welfare of the people,” ayon sa CHR.
Nanawagan naman ang CHR sa pamahalaan na igalang at panindigan ang karapatang-pantao na nakapaloob sa Saligang Batas at sa international human rights standards.
“Silencing criticism and dissent only detracts from our shared goal of nation-building,” ayon sa komisyon.
“We reiterate that under a democracy the goal is to balance the respect, promotion, and fulfilment of the rights of all. Let us take part in healthy and responsive discourse with citizens across diverse sectors, as the right to truth—like the ostensible mission of journalism—must always be rooted in accountability, integrity, and objectivity,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose
3 patay, 3 sugatan sa fluvial parade sa Pampanga

July 1, 2022 @8:28 AM
Views:
12