BAKIT ANG MAG-AMANG OCA AT ALONG?

BAKIT ANG MAG-AMANG OCA AT ALONG?

April 9, 2022 @ 12:01 PM 3 months ago


ANG lungsod ng Caloocan   ay isa sa local government unit sa kalakhang Maynila ang maiinit na pinag-uusapan dahil sa nagbabagang  palitan ng balitaktakan ng   magkakatunggaling kampo ng mga tumatakbong kandidato.

Sa Pinas, ganyan naman talaga – batohan ng putik ang magkakalabang kandidato kapag sumasapit ang election at hindi exempted ang Caloocan sa ganitong sistema o estilo ng pamamahala o takbo ng kampanya.

Napakaraming tusong pulitiko sa bansa na ang estilo sa pangangampanya ay manira, binabato ang kalaban sa pulitika ng mga ga-wa-gawang akusasyon para  lang maging mabango ang imahe sa mga botante.

Sa maraming siyudad, bayan at lalawigan ganito ang nangyayari. At  huwag na tayong lumayo  dahil sa Caloocan, hindi lang mainit kundi nagbabaga ang paninira sa mag-amang Mayor Oca at  Rep. Along Malapitan.

Bilang residente at matagal nang botante ng Caloocan, nasaksihan ko ang dumi ng pulitika sa lungsod na ito, mula pa sa panunungkulan ng yumao nang Mayor Boy Asistio, ex-Mayors Rey Malonzo at Recom Echiverri.

Tuwing dumarating ang halalan, batohan ng putik ang mga magkakatunggali sa pagka-alkalde pero ang election landscape sa lungsod ay nabago nang mahalal na pu-nong lungsod si Mayor Oca noong  May 2013.

Sa magkasunod na halalan noong May 2016 at May 2019, walang batohan ng putik, ang siraan ng mga kandidato ay hindi nakita sa mga election na ‘yan dahil nagkaisa ang mga tumatakbong kampo ng pulitiko.

Sa kasaysayan ng Calo-ocan politics, sa magkasunod na halalan na yan (May 2016 at May 2019) ang tumatakbo noon sa pagka-alkalde sa katauhan ni Mayor Oca ay walang naging katunggali sa posisyon.

Si Mayor Oca ay naka-tatlong termino na rin kaya lilisanin na ang posisyong maayos niyang tinanganan ng siyam na taon. Inendorso ni Mayor Oca ng anak na si Cong Along Malapitan na kandidato sa pagka-mayor.

Si Mayor Oca na kumakandidatong kongresista sa 1st district ng Caloocan ay aalis bilang mayor na taas noo dahil sa kanyang panunungkulan nagkaroon ng modernong city hall, hospitals at college school buldings.

Ang sports ay lumevel up sa lungsod dahil sa iba’t ibang sports facilities na ginawa ni Mayor Oca, kabilang na ang Caloocan coliseum at iba pang sports ve-nues na naisakatuparan ng kanyang  pamamahala.

Sa dami ng nagawa ng Malapitan administration, kulang ang espasyo kung isa-isahin natin ang mga ito.

Ang patutsada ng mga kalaban, kung kasaysayan ng pulitika sa Caloocan ang pag-uusapan, wala raw  anak o miyembro ng pamil-ya ng papaalis na mayor ang nananalo pero ang aking forecast ‘di na ito mangyayari.

Sa darating na election, patutunayan ‘yan ng mga Caloocanian dahil parehong magwawagi  ang  magaling at maayos na tandem ng mag-amang Oca at Along  Malapitan.

Bakit ang mag-amang Oca at Along pagdating ng May 9 election?