BAKIT AYAW NILANG MAGING PRESIDENTE SI BBM?

BAKIT AYAW NILANG MAGING PRESIDENTE SI BBM?

February 23, 2021 @ 12:18 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

ANO nga ba ang mga dahilan kung bakit ayaw na ayaw ng mga maka-dilawan na maging Presidente si Ferdinand Romualdez Marcos Jr. o BBM ?

Bakit kailangan pa nilang gawin ang lahat ng paraan para hadlangan ang pagtakbo ni BBM bilang susunod na Presidente ng Pilipinas?

Bakit kailangan pang sirain ang pagkatao ni BBM at ang kanyang buong pamilya sa publiko?

Halos walang katapusan ang ginagawa nila sa loob ng mahigit 30 taon na kung tutuusin ay napakatagal na po.

Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakapagmo-move on gayung ilang taon na rin silang nagpasasa?

Kung ikukumpara mo ang mga nagawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa mga nagdaang panahon, maliban lamang kina Pang. Rodrigo Duterte at Pres. Gloria Arroyo, ‘di hamak na mas maraming nagawa at naiambag si Marcos.

Sa pakiwari ko ha, kaya hanggang ngayon hindi nila matanggap ito ay may malalim na mga dahilan.

Isang malinaw, puro mga kabaligtaran ang lahat ng kanilang mga ipinakakalat na impormasyon at ipinapansirang-puri sa pamilya Marcos sa loob ng mahabang panahon.

Tila gusto pa nilang muling maghari sa kabila nang wala naman silang nagawa noong sila ang naghaharing-uri makaraang mapatalsik nila sa pwesto si Marcos!

Maraming Filipino nga ang naghirap at dumami ang mga squater sa buong bansa dahil ang naghaharing uri ay ang mga oligarko at elitista na nasa likod ng grupo ng mga dilawan, kasama ang tao na nagmamarunong pero puro palpak naman.

Ang pinagtatakhan ko lang, bayan, bakit hanggang ngayon ay kailangan pa nilang gawin ang malawakan at matitinding pag-brainwash o disinformation sa mga Filipino na wala namang kamuwang-muwang sa mga nangyayari noong mga panahon na ‘yun.

Halos puro paninirang puri at tsismis ang kani-kanilang mga naging batayan para lamang mahadlangan ng mga diablo at demonyong ito ang napakagandang plano ng mga Marcos para sa ating bansa.

Ang mga taong nasa likod nito ay ‘yung mga walang gustong gawin kundi ang pagkakuwartahan at isubo ang mga mahihirap sa kapahamakan.

Sa halip na maging maganda ang buhay na kanilang ibigay, lalo nilang ibinabaon sa hirap ang mga kababayan natin.

Alam ba ninyong ang Liberal Party sa Pilipinas at Democratic Party sa Amerika ay parehong mga galamay ng mga elitistang kumokontrol sa Central Banking System na kung saan sila rin ang kumokontrol ng mainstream media?

Sila ‘yung grupo na tinutukoy ni dating First Lady Imelda Marcos na “powerful force” na humahadlang para hindi maipamahagi ang Wealth for Humanity na sinet-up nina Diaz at Marcos sa World Bank noong 1950 at naging lehitimong property ni Marcos noong 1973.

Pero alam ba ninyo, mga kababayan ko, lingid sa kaalaman nating mga Filipino, noong taong 1973 rin ay dineklara ni US President Richard Nixon na alisin ang gold bar sa dollar.

Mula 1973, ang dollar po ay isa nang fiat currency at ito po ang dahilan kung bakit ang salapi ay hindi na nagka-value base sa wealth ng isang bansa.

Sa pamamagitan daw nito, kinontrol ng Federal Reserve ang mga ekonomiya ng bawat bansa habang sila ay inaalipin sa pamamagitan ng utang.

Mantakin ninyo, bay, itong lintek na Federal Reserve ay walang tigil na nag-iimprenta ng mga dolyar na ipinapautang sa iba’t ibang bansa pero hindi naman pag-aari ng Amerika kundi pag-aari at pinatatakbo ng iilang elitistang pamilya.

Sino-sino ba ‘yan?

Abangan sa mga susunod nating pagbubunyag.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]


  •  
  •  
  •