BAKIT HINDI MAUBOS-UBOS ANG DROGA SA BANSA? 

BAKIT HINDI MAUBOS-UBOS ANG DROGA SA BANSA? 

October 24, 2022 @ 5:05 PM 1 month ago


MGA tsong, nakababahala na ang sunod-sunod  na  mga kaso nang gpanghahalay, pagpatay at mga katulad na gawain ng mga halang ang bituka na pinalalakas ang loob ng kanilang paggamit ng droga. 

Dapat ay maging alerto ang mga kababaihan  kasama na rin ang mga magulang dahil hindi na makontrol ang pag-iisip ng mga gumagawa ng mga kawalanghiyaan na karamihan ay manyakis na drug addict. 

Palagay ko mga Tsong, kailangang maibalik na ang parusang bitay o kamatayan sa mga mapatutunayang gumagawa ng karumal-dumal na krimen katulad nang pagpatay at panghahalay lalo na sa wala pang muwang dahil nasa impluwensiya ng bawal na gamot.

Baka sakali, kapag naibalik ang parusang bitay ay may magigising pa upang magbago habang hindi pa huli ang lahat. 

Nakalulungkot na ang mga gumagamit ng iligal na droga ay talagang sakit sa ulo ng gobyerno. Merong ilang kaya nakagagawa ng kawalanghiyaan ay dahil nasa impluwensiya ng droga. May pagkakataong napagtritripan ang mga kababaihang walang kalaban-laban ng mga kalalakihan, ang ilan pa ay kabataan, na naging biktima ng droga. 

Ihahalimbawa ko ang nangyari sa Canlaon, Negros Oriental kung saan hinalay at pinatay ang isang dalagita na ang pamilya ay umampon sa suspek. 

Matapos halayin at patayin ang dalagita ay isinunod naman ng suspek ang lolo at lola ng biktima nang tangkain ng mga itong sumaklolo sa kanilang apo. 

Ang masakit pa, tinalupan ang mukha at dinukot ang lalamunan. 

Sinasabing nasa ilalim ng kapangyarihan ng droga ang gumawa ng kahindik-hindik at karumal-dumal na krimen. 

Nakababahala na talaga ang pagiging talamak nang pagkalat ng droga sa Pilipinas. 

Sana lang, kumilos na ang Philippine National Police  (PNP).at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang matapos na ang salot na ito ng lipunan..

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com