Bakit hindi pa-Alpabeto ang ayos ng keyboard?

Bakit hindi pa-Alpabeto ang ayos ng keyboard?

August 4, 2018 @ 4:19 PM 5 years ago


Ginagamit natin ang keyboard sa pang-araw-araw nating buhay, mapa-desktop man yan laptop, tablet at maging ang smartphone. Pero hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi alphabetically arranged ang mga letra nito?

Bumalik muna tayo sa past. Noong sinaunang panahon pala ayon sa techspirited.com, ang mga keys o tiklado ay naka-ayos talaga sa alphabetical order.

Pero bakit ito naging QWERTY? Para raw bumagal sa pagta-type ang mga typist dahil kapag mabilis mag-type ay nagkakaroon ng typewriter jam o nagloloko ang makina nito. Kaya naman sinasabing nilagay ang mga letrang madalas gamitin sa hard to reach spots, para bumagal ang mga typist at maiwasan ang ganitong problema.

Ang QWERTY keyboard layout ay naimbento noong 1860s ni Christopher Sholes na isang newspaper editor sa Milkwaukee.

Pero hindi raw ito ang totoong dahilan, dahil sa halip na mapabagal daw ng QWERTY order ang mga typist ay mas lalo pa itong nagpapabilis at nakakaiwas sa jam ng keys. Napatunayan daw na ang paglagay ng often-used keys ng magkakalayo ay mas nakakapagpabilis ng pag-type dahlia makakagamit ng salitan na kamay.

Bukod dito ay base raw ito sa English language kung saan mas maraming words ang mabilis maita-type sa ganitong klaseng ayos.

Dagdag na kaalaman:  Ang mga salitang ‘typewiter’, ‘proprietor’, ‘perpetuity’ at ‘repertoire’, ay ilan sa pinakamahahabang English words na maita-type gamit lamang ang upper row ng keyboard.

Another fact:  alam mo bang nasa libong English words ang maita-type gamit lamang ang left side ng keyboard samantalang nasa daang salita lang ang maita-type gamit ang right side.

Ngayon alam mo na kung bakit QWERTY ang ayos ng mga keypad natin, ingat lang sa key jamming! (Remate News Team / Janelle Sicat)