BAKIT MADALAS NA NAGKAKA-RIOT NGAYON SA MUNTI?

BAKIT MADALAS NA NAGKAKA-RIOT NGAYON SA MUNTI?

November 12, 2020 @ 12:17 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

ANG isa sa mga dahilan na inginunguso ng Bureau of Corrections (BuCor) kung bakit madalas na nagkaka-riot sa New Bilibid Prison ay ang pagbabawal daw ng mga pagdalaw sa mga preso.

Ito raw ang nakikitang ugat ng riot sa nasabing Pambansang Kulungan.

Nitong huli, apat na preso na kasali sa riot ang tumimbwang at 60 naman ang nasugatan. Ang paliwanag ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaglag, halos ilang buwan nang wala bumibisita sa mga preso bunga ng pananalasa ng COVID-19.

 

Kaya naman maaari umanong isa ito sa mga dahilan at maaari ring nagbubunga ito ng depresyon sa mga bilanggo.

.

Kaya ang isa sa mga kasagutan ng pamunuan ng BuCor para maiwasan ang muling pag-aalburoto ng mga preso ay ang pagbabalik sa dating mga aktibidad o kalakaran na ginagawa sa loob ng kulungan.

Aba’y sino bang hindi mabuburyong na preso sa naturang kulungan kung halos sa loob ng Bilibid na lang umiikot ang mundo ng mga ito?

Ni walang nakikitang mga dalaw ang mga ito sa loob ng bilangguan kundi ang kapwa mga preso simula nang magka-pandemya.

E kahit sino ang ikulong mo sa loob ng ilang buwan na walang nakikitang dalaw, imposibleng hindi mag-alburoto ito.

Ang tanong, ‘yun nga ba ang tunay na dahilan ng pag-aalburoto ng mga ito? He..he…he..he.

Ang isa pang tanong, paano nga ba nakapasok ang mga ginamit na armas sa loob ng Bilibid at sino ang utak sa nangyaring riot nang hindi man lamang natunugan ng mga kinauukulan?

Paanooooo, ano ‘yun may magic? He..he..he..he.

Anong klaseng panuntunan mayroon sa loob ng BuCor at sa kabila ng nakakulong na ang mga inmate, eh, kung mag-riot, may dalang mga armas ang mga preso kaya may napapatay?

Akala natin, porke nasa loob na kulungan ang mga nabilanggo, nasa mabuti at maayos at ligtas na sila na lugar.

‘Yun pala mas lalong nalalagay sa panganib ang buhay ng mga ito kagaya ng nangyaring riot sa kamakailan.

Dapat lang na paimbestigahang mabuti ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang madalas na riot sa loob ng BuCor sa hindi pagkakaindindihan ng bawat preso.

Kung hindi ako nagkakamali, kamakailan lang ay nagkaroon din ng isang matinding riot at 9 na preso ang tumimbuwang.

Ayokong manghula pero may kutob akong may mga nangyayaring hindi maganda sa loob ng bilangguan.

Siguro ang pamunuan ng BuCor lang ang siyang nakaaalam.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 I –email sa [email protected] o [email protected]


  •  
  •  
  •