Bakit nga ba blockbuster ang ‘Sid & Aya (Not a love story)?

Bakit nga ba blockbuster ang ‘Sid & Aya (Not a love story)?

June 10, 2018 @ 2:03 PM 4 years ago


Kasunod ng ‘Camp Sawi’ at ‘Meet Me in St. Gallen’ ng screenwriter-filmmaker Irene Villamor, pinilahan din ang kanyang obra na ‘Sid & Aya (Not a Love Story)’  na pinagbibidahan ng first time on-screen pair na sina Anne Curtis at Dingdong Dantes at sa ngayon ay mayroon nang mahigit P40-million na kita.

Hindi pa man pinalalabas ang pelikula, naging totoo na sila na hindi ito love story.

Pero sa kabila nito inintriga pa rin nila ang mga manonood sa kanilang teaser kung saan nagsasagutan ang dalawang karakter na sina ‘Sid’ at ‘Aya’ ng ‘Sana lahat’ at ‘Hindi lahat’.

Mas dumami pa ang tanong nang sabihin ni ‘Sid’ ang: “Hindi naman lahat ng may ‘I love you,’ ay  love story na, eh.”

Pero sa kabila ng pagsusumigaw ng pelikula na hindi ito love story, dinagsa pa rin ang mga sinehan dahil sa kakaiba nitong tema at sa nakai-in love nitong soudtrack na kinanta ng soul singer na si Janine Teñoso.

Final verdict ng pelikula? Hindi dapat panooring kung ang hanap ay fairytale. Pero kung gusto mong masampal ng katotohanan, huwag nang mag-atubiling bumili ng ticket para panoorin ito. Magmahal at masaktan. Maging totoo.