BAKIT SINA ELEAZAR AT PIÑOL

BAKIT SINA ELEAZAR AT PIÑOL

March 31, 2022 @ 10:44 AM 3 months ago


ILANG tulog na lang, sasadya tayo sa mga election precinct para muling mamili ng ating mga magiging lider sa gobyernong nasyunal na magsisilbi ng anim na taon at sa pamahalaang lokal  na magtatagal ng tatlong taon.

Pero sana lang, pagkatapos ng May 9 election, masasabi sa sarili  na tamang kandidato ang naisulat natin sa election  voting form para hindi na muling pagsisihan ang nakaraang mga halalan dahil mali ang  naiboto natin.

Sinasabi ko ang ganito dahil ito ang nangyayari. Ang mga piniling lider ay nangako nang sila’y nangangampaya pero napako – sa madali’t sa-bi nambola lang si kandidato kaya sa huli  ang taumbayan ang naloko, ang natalo.

Bilang responsableng      botante na mabibigyan muli     ng pagkakataon na pumili ng maasahang lingkod-bayan, sana’y magsilbing aral ang mga pumalpak nating maling desisyon sa maraming nasayang na halalang lumipas.

Ang lahat ng elective position ay mahalaga, pero dahil ang bansa ay ‘limitado’ ang galaw dahil sa kakulangan ng nararapat na batas,  kailangan natin ang nag-iisip, masipag at maasahang team ng mambabatas sa Senado.

Kaya kailangan nating pag-isipan, suriin ang mga kumakandidatong senador na alam natin ay may maganda at tamang plataporma na siguradong magdadala ng ka-ginhawaan sa bansa at mahigit 100 milyong Pilipino.

Maraming problema ang Pilipinas pero ang nakikita nating dapat pagtuunan ng pan-sin ng mga susunod na bubuo ng Senado ay ang  sa peace and order, kakulangan ng pagkain sa hapag kainan at employment problem.

Ilan sa senatorial aspirants ay bahagi ng kanilang plataporma ang mga  ito, pero hindi porke’t  sinasabi nilang isusulong ang mga ito, dapat sigurong arukin din natin ang tunay nilang kilos at saloobin dito.
In fairness sa mga nagsusulong nito, walang itulak kabigin sa kanila dahil pare-pareho namang maganda ang kanilang hangarin pero ika     nga – tulad ng isang  paligsahan o pa-contest, may matatalo at may magwawagi.

Pero sa ganang akin, kung ang kanilang angking matin-ding kriteria ang  basehan, sina dating PNP chief  Guillermo Eleazar at Department of Agriculture Sec. Manny Piñol ay karapat-dapat na makakuha ng Senate seat.

Kung bakit? Si Eleazar ay naging magiting na hepe ng Pambansang Kapulisan na batid ang problema sa peace and order, gayundin si Piñol na napag-aralan ang problema sa pagkain sa ilang taon niya bilang kalihim ng Agri-  cultural department.

Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon na maging se-nador, sina Eleazar at Piñol ang hinahanap nating ta- mang susi para matuldukan ang problema sa peace and order, employment at  food  security sa Pilipinas.

Kina Eleazar at Piñol, tiyak na hindi magsisisi dahil panalo ang bayan!