Bakuna nakababawas ng Delta COVID transmission ng 40% – WHO

Bakuna nakababawas ng Delta COVID transmission ng 40% – WHO

November 25, 2021 @ 8:30 AM 3 days ago


GENEVA, Switzerland – Lumabas sa pag-aaral na ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines ay nakababawas ng paghawa ng 60 porsyento habang 40% naman sa Delta variant, ayon sa World Health Organization.

Kasabay nito, ibinabala rin ng WHO ang naibibigay na maling “sense of security” o pagkakampante ng mga bakunado laban sa COVID-19.

Sinabi ni World Health Organization’s director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus na marami sa mga bakunado na nag-iisip na hindi na nila kailangan ng iba pang pag-iingat.

Giit ni Tedros na kahit kumpletong bakunado na ay dapat sumusunod pa rin ang mga ito sa health standard dahil mas nakahahawa ang sumulpot na Delta variant.

“We’re concerned about the false sense of security that vaccines have ended the pandemic and people who are vaccinated do not need to take any other precautions,” ani Tedros sa reporters.

“Vaccines save lives but they do not fully prevent transmission.

“Data suggests that before the arrival of the Delta variant, vaccines reduced transmission by about 60 percent. With Delta, that has dropped to about 40 percent,” giit ng director-general.

“If you are vaccinated, you have a much lower risk of severe disease and death but you are still at risk of being infected and infecting others,” ayon pa kay Tedros.

“We cannot say this clearly enough: even if you are vaccinated, continue to take precautions to prevent becoming infected yourself, and infecting someone else who could die.” RNT