‘Bakuna Nights’ ng Quezon City malaking tulong sa mga obrero – Bello

‘Bakuna Nights’ ng Quezon City malaking tulong sa mga obrero – Bello

July 6, 2021 @ 9:37 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Malaking tulong para sa mga manggagawa ang “Bakuna Nights” o pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa gabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“Unang una, nagpapasalamat po ako kay Mayor Joy at kahit papaano, na-gather niya itong mga manggagawa. Ito po yung mga behikulo ng ekonomiya natin, kung walang manggawa, hindi gagalaw ang ekonomiya kaya napakahalaga,” ani Bello.

Saad ng kalihim na hindi makapagpabakuna ang ilang manggagawa na hindi makaliban sa trabaho tuwing umaga.

“It is very obvious na kailangan natin mabakunahan ang ating mga manggagawa para gumalaw ang ekonomiya. Hopefully, kapag nabakunahan na natin ang lahat ng manggagawa, back to normal na ang negosyo, back to normal na ang ating ekonomiya,” punto ng DOLE chief.

Umabot sa 20,00 na ang nabakunahang manggagawa sa ‘Bakuna Nights’ ng Quezon City LGU.

Balak ng LGU na gawing 24 oras ang operasyon ng pagbabakuna sa sandaling may sapat nang suplay.

Ayon kay Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, umabot na sa 50,000 kada araw ang nababakunahan sa Quezon City. RNT/ELM