Bakunadong UFC fighters hindi na susurian bago ang laban

Bakunadong UFC fighters hindi na susurian bago ang laban

January 19, 2022 @ 12:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines – Hindi na umano susuriin para sa COVID-19 ang mga UFC fighter na fully vaccinated isang linggo bago ang kanilang mga laban.

Ayon sa UFC hindi na kailangang sumailalim sa pagsusuri o quarantine ang mga atletang bakunado na sasabak sa UFC 270 ngayong linggo na gaganapin sa Anaheim, California.

Kinumpirma ito ni  UFC chief business officer Hunter Campbell pero kakailanganin pa ring mag-negatibo ang mga nabakunahang manlalaban at corners sa isang pre-arrival test at susuriin din para sa COVID bago umalis.

Ang mga protocol na ito ay inilatag ng California State Athletic Commission (CSAC) at sinusuportahan ng UFC, ayon kay Campbell. Ang mga hindi nabakunahan na manlalaro at corners ay kailangan pa ring masuri ng dalawang beses sa isang linggo at mag quarantine.

Sinabi ng executive officer ng SAC na si Andy Foster na kung may sintomas ang sinumang nabakunahang fighters o corners, susuriin sila para sa COVID-19.

Sinabi ni Foster na ang mga doktor ng CSAC sa venue ay ang susuri sa mga fighter na may sintomas.

Sinusunod ng UFC ang mga protocol na itinakda ng mga indibidwal na komisyon sa atleta na may hurisdiksyon at maaaring magkaroon ng iba’t ibang mga panuntunan sa COVID sa ibang estado para sa susunod na card ng UFC, kahit na ang kalakaran na ito ay tila may kinalaman sa sports.

Sa unang bahagi ng linggong ito, inalis ng NBA ang gameday coronavirus testing para sa mga ganap na nabakunahang atleta. Sinimulan ng NFL ang minsanang test sa mga nabakunahang manlalaro.JC