Bakunahan sa Kabataan sa LP, may 45K rehistrado

Bakunahan sa Kabataan sa LP, may 45K rehistrado

November 10, 2021 @ 8:44 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar na umabot na sa 45,000 na kabataan edada 12 hanggang 17 ang rehistrado para sa bakunahan ng general pediatric population.

Sa ilalim ng “Bakunahan sa Kabataan” program ng Las Piñas City Government, sinabi ni Mayor Aguilar na nasa 65,000 kabataan ang target nilang mabakunahan kontra COVID-19.

Makikita naman sa litrato na binisita nina Mayor Mel at Vice-Mayor April Aguilar ang pitong natukoy na vaccination sites ng lungsod. RNT