Bakunahang bayan sa COVID booster, ikinasa ng DOH

Bakunahang bayan sa COVID booster, ikinasa ng DOH

September 25, 2022 @ 11:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang isasagawa ng Department of Health ang Bakunahang Bayan upang paigtingin ang pagbabakuna ng COVID-19 booster.

Ang naturang programa ay sisimulan ng DOH – Center for Health Development sa CALABARZON sa Lunes, Setyembre 26 at tatawagin itong “Bakunahang Bayan: PinasLakas Special Vaccination Days.”

Ito ay nakaayon umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin pa ang pagbibigay ng booster shots sa mga Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

“This is to help maintain the country’s wall of immunity by vaccinating 90 percent of the A2 or senior citizen population, as well as increase booster dose coverage to 50 percent of the total target population before October 8, which marks the President’s first 100 days in office,” ani Ariel Valencia, hepe ng DOH – Calabarzon.

Kabilang sa mga target na lugar ng pagbabakuna ay ang mga palengke at covered court.

Maglalaan rin ang Kagawaran ng nasa 47 social mobilizers sa buong rehiyon. RNT/JGC