Bakunahang Bayan: Special Vaccination Days umarangkada sa Kabite

Bakunahang Bayan: Special Vaccination Days umarangkada sa Kabite

October 1, 2022 @ 5:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinangunahan ng Department of Health (DOH) ang paglulunsad ng Bakunahang Bayan: Special Vaccination Days sa Trece Martires City Public Market sa Lalawigan ng Cavite kahapon, Setyembre 30, 2022, kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno at non-government na sumusuporta sa laban sa COVID-19.

Sa kanyang pangunahing talumpati, binigyang-diin ni OIC-Secretary Rosario S. Vergeire ang kahalagahan ng pagkuha ng pangunahing serye ng bakuna sa COVID-19 at booster doses, ngayong ang variant ng omicron ay napag-alamang ang nangingibabaw na variant sa bansa.

“Hanggang maaga gusto natin mabigyan ng proteksyon ang ating populasyon at ating mga kababayan. Ito pong mga bakunang nakuha natin, sa unang dalawang doses ay nag wi-wane po ang immunity, kumpleto na po ang ebidensya nito all over the world. Kaya naman hinikayat ng DOH together with local governments ang pagbibigay at pagtanggap ng mga kababayan natin ng bakuna,” sabi ni OIC Vergeire.

Samantala, pinasalamatan ni Vergeire ang walang patid na pagsisikap ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng bakuna laban sa COVID-19 sa kanilang mga nasasakupan. Hinikayat din niya ang bawat caviteƱo at caviteƱa na kumuha ng kanilang pangunahing serye at booster doses ng COVID-19.

“Na-appreciate po ng kagawarang pangkalusugan ang ating mga local officials para makapag pabakuna dahil alam po namin ang hirap nila in spite na andyan po ang risk na pwedeng mangyari,” ani Vergeire.

“Muli, hinihikayat po namin ang bawat caviteƱo at caviteƱa naririto na magpabakuna na ng kanilang primary series at ng booster doses upang mas mapatibay natin ang ating wall of immunity. Ang pagpili sa bakuna ay pagpili ng kaligtasan hindi lamang ng inyong mga sarili kung hindi pati ng mga komunidad na inyong kinabibilangan,” dagdag pa ng DOH OIC.

Noong Setyembre 29, 2022, may kabuuang 3, 081, 830 (26%) na mga indibidwal mula sa pangkalahatang populasyon ang nabigyan na ng 1st booster at 1, 049, 085 (82%) na mga indibidwal mula sa A2 ang ganap na nabakunahan sa rehiyon.

Sa lalawigan ng Cavite, may kabuuang 979, 135 (31%) na indibidwal ang nabigyan ng 1st boosters habang 268, 855 (82%) na indibidwal ang ganap na nabakunahan.

Ang datos ay batay sa Presidential Directives para sa unang Booster at A2 sa ilalim ng ā€œSa Booster PinasLakasā€ Campaign. Jocelyn Tabangcura-Domenden