Balanga City, nasa state of calamity na!

Balanga City, nasa state of calamity na!

July 22, 2018 @ 3:26 PM 5 years ago


 

 

Bataan – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Balanga, Bataan matapos bahain ang maraming barangay, ayon sa Philippine Information Agency-Bataan.

Sa Facebook post, sinabi ng PIA-Bataan na ang mgaopsiyal ng barangay ay ipinakalat na upang tumulong sa posibleng paglikas ng mga residente.

Maaaring lumikas ang mga residente sa Bataan National High School and Bataan People Center ayon pa sa ahensiya ng Bataan.

Panayuhan naman ang mga residenteng nasa mababang lugar na lumikas sa mga bahay na mayroong ikalawang palapag o di kaya’y sa mga building na mayroong hanggang ikalawang palapag para sa kanilang kaligtasan.

Ang pagbaha sa ilang bahagi ng Bataan ay dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng southwest monsoon o Habagat na pinalakas ng bagyong Josie. (Remate News Team)