‘Balangiga 1901,’ sinimulan na!

‘Balangiga 1901,’ sinimulan na!

November 21, 2020 @ 1:14 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Finally ay nagsimula nang gumulong ang kamera para sa makasaysayang pelikulang ‘Balangiga 1901’ na pinagbibidahan ni Ejay Falcon at ididirehe ni Danny Marquez.

 

Ayon kay Franco Miguel, na isa sa mga kasama sa pelikula, ngayong araw ng Sabado ay aakyat ang kanilang grupo sa Tanay, Rizal upang mag-shoot.

 

“Nakaka-excite lang kasi, marami na ang nagaabang sa period movie na ito at marami rin ang gustong makapanood kung ano ba talaga ang nangyari sa makasaysayang Balangiga bells,” sabi pa ni Franco.

 

Gagampanan ni Franco ang role ng isang lider ng mga sundalo na makikipagbalbakan sa mga Amerikano.

 

Hindi ba natatakot si Franco sa first shooting day lalo at hanggang ngayon ay patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa Covid 19?

 

“Siyempre, hindi naman natin maiwasan ang takot kaya nga ako, I believe na dapat palakasin natin lagi ang ating immune system dahil ‘yan ang number one na depensa laban sa COVID-19.

 

“Sa recomendation ng friend ko na si Carlo Buenaventura, e, lagi akong nagte-take ng food supplement na C Supreme para may proteksiyon kapag may shooting gaya nito,” sabi pa ni Franco.

 

Anyway, inaasahang matatapos ang ‘Balangiga 1901’ sa susunod na taon at kung papalarin ay baka maisama pa ito sa MMFF summer editon sa April 2021. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...