Bali, Indonesia, bubuksan na ulit sa mga dayuhang turista

Bali, Indonesia, bubuksan na ulit sa mga dayuhang turista

February 1, 2022 @ 12:18 PM 8 months ago


Bubuksan na muli sa mga foreign tourist ang isla ng Bali sa Indonesia anumang araw ngayong linggo.

Tatlong buwan ito matapos na buksan ang sikat na tourist destination para lamang sa mga piling nationalities.

Inilabas ang desisyon sa kabila ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Indonesia nitong Enero dahil sa Omicron.

Noong 2019, umaabot sa 6.2 million foreign tourists ang bumisita sa Bali na kilala sa surfing, temples, waterfalls at nightlife.

Pero dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic, matinding tinamaan ang turismo nito na nagkakahalaga ng 54% ng kanilang ekonomiya.

Samantala, nag-anunsyo na rin ang Singapore Airlines ng pagbabalik ng biyahe nito sa Bali simula sa February 16.

Pero paglilinaw ni Senior minister Luhut Pandjaitan, required pa ring sumailalim sa lima hanggang pitong araw na quarantine period ang mga international visitor kahit bakunado na kontra COVID-19.

Noon lang nakaraang linggo, dalawang isla ang binuksan ng Indonesia malapit sa Singapore. RNT