Balik-bitay mainit na pag-uusapan sa Kongreso

Balik-bitay mainit na pag-uusapan sa Kongreso

August 2, 2020 @ 2:55 PM 2 days ago

Share

Manila, Philippines – Malaking katanungan pa rin kung maipatutupad o maibabalik ang parusang bitay.

Sinabi ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor na naipasa na ito ng Kamara noong nakaraaan pang Kongreso subalit ibinasura naman ang pagbabalik ng parusang bitay sa Senado.

“The first question is death penalty. Will we reimpose it? How will it affect our ratification of the 2nd Protocol on death penalty? The lower house  approved the reimposition last congress and yet the senate did not,” ani Defensor.

Mahalaga aniyang mapag-usapan ito at dapat magkaroon ng kasunduan ang Senado at Kamara sa panukalang ito.

“So there should be a consensus before we proceed so as not to waste our time and resources given the current circumstances faced by our people,” pahayag ni Defensor.

“If and when there’s a consensus, what are the crimes to be dealt with the penalty of death. The constitution sets parameters on this and I will wait for the certified bill to be deliberated on this matter,” dagdag pa ng mambabatas.

Nauna rito ay iginiit ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica na patawan ng parusang bitay ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Katwiran ni Belgica patuloy na maghihirap aniya ang libo-libong tao kapag nanatili sa pwesto ang aniya’y mga corrupt official.

“Kaya kailangang pinapatay po iyan, ang mga corrupt na tao after of course investigation.  Iyong mga tao, mga corrupt na tao sa gobyerno habang nandyan sila naghihirap ang libo-libong tao,” ayon pa kay Belgica. Meliza Maluntag

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...