Balik-byahe sa Bangkok, Fukuoka, Jakarta inanunsyo ng CebPac

Balik-byahe sa Bangkok, Fukuoka, Jakarta inanunsyo ng CebPac

February 16, 2022 @ 4:33 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Cebu Pacific, Miyerkules, ang pagbabalik ng lingguhang byahe  sa Bangkok, Thailand at lingguhang flight sa Fukuoka, Japan at Jakarta, Indonesia.

Ang pagpapatuloy ng nasabing mga flight ay “sa oras para sa pagpapagaan ng Philippine arrival quarantine restrictions at muling pagbubukas ng mga hangganan para sa mga turista ngayong buwan,” sabi ng airline sa isang pahayag.

Matatandaang pinayagan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapapasok sa bansa ng mga fully vaccinated na dayuhang turista sa Pilipinas.

“This development will benefit the tourism industry across the Philippines as we welcome vaccinated travelers from around the world to explore our beautiful shores. We laud the Department of Tourism for actively pushing for our country to start accepting foreign tourists again, and we will support this initiative however we can,” ani Xander Lao, chief commercial officer ng Cebu Pacific.

Plano rin ng CebPac na ipagpatuloy ang mga flight nito sa iba pang mga internasyonal na ruta mula Manila sa Marso, partikular sa Ho Chi Minh (Saigon) sa Marso 1 at Taipei sa Marso 2.

Simula Marso 1 rin ay balik na ang Dubai-Manila flight ng Cebu Pacific matapos na paluwagan ng United Arab Emirates ang kanilang restriksyon.

“We continue to bank on the rebound of domestic tourism this year while remaining agile in addressing demand for international travel as well. We are encouraged that with these positive indicators, more OFWs can also fly back home easily and safely to their families,” ani Lao.

Pinaalalahanan ng Cebu Pacific ang mga pasahero na tiyaking kumpleto ang kanilang mga kinakailangan bago ang araw ng paglalakbay. RNT