Balik-DOLE ng TESDA, krusyal sa paglikha ng trabaho-Koko

Balik-DOLE ng TESDA, krusyal sa paglikha ng trabaho-Koko

September 18, 2022 @ 9:11 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Suportado ni Senate minority leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang executive order na naglilipat sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) tungo sa Department of Labor and Employment (DOLE) dahil mahalagang kasangkapan ito sa paglikha ng trabaho.

Tinawag niyang brilliant move, sinabi ni Pimentel na buo ang kanyang suporta sa kautusan ni Pangulong Marcos na ilipat sa DOLE ang TESDA mulasa Department of Trade and Industry (DTI). Magiging chairperson ng TESDA Board ang kalihim ng DOLE.

“It’s a brilliant move. I am in full support of the President’s decision to let DOLE supervise TESDA,” ayon kay Pimentel sa pahayag nitong Sabado.

“It is crucial for these two agencies to work together to address joblessness and productivity. Unemployment remains to be one of the biggest challenges that the Marcos administration should be able to address,” dagdag ni Pimentel.

Naunang nagpahayag ng pag-aalala si Pimentel sa lumolobong bilang ng walang trabaho na uambot sa 2.99 milyon nitong Hulyo tulad ng pangamba ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na kahit nabawasan ang nawalan ng trabaho, dumami naman ang bilang ng underemployed.

“There must be synchronized efforts to address unemployment with DOLE and TESDA as the lead agencies. Hence, EO No. 5 augurs well in the efforts to address joblessness in the country,” giit ni Pimentel.

Batay sa EO No. 5 na nilagdaan ng Pangulo nitong Biyernes, magsisilbing chairperson ng TESDA Board ang DOLE secretary.

Dahil dito, pinayuhan ni Pimentel ang DOLE na rebyuhin ang panukalang badyet ng TESDA para sa 2023 bago simulant ang pagtalakay dito upang matiyak na nakapaloob ang patakaran nito sa paglikha ng trabaho sa mamamayang Filipino.

“It is the policy of the national government to rationalize the functional structures of agencies with complementary mandates and promote coordination, efficiency, and organizational coherence in the bureaucracy,” according to the EO,” ani Pimentel. Ernie Reyes