Balik-eskwela generally peaceful-PNP

Balik-eskwela generally peaceful-PNP

August 25, 2022 @ 6:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines — Generally peaceful.

Ganito inilarawan ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang pagbabalik ng in-person classes sa bansa.

Dagdag pa ni PNP na walang naitalang hindi  kanais-nais na insidente na kinasasangkutan ng mga estudyante.

“So far, overall peaceful ‘yung ating pagbubukas ng mga klase simula noong Lunes. Wala naman tayong naitalang anumang untoward incidents,” ani Police spokesperson P/Col. Jean Fajardo.

“Hindi lang dito sa Metro Manila, pero pati sa malalaking region tulad ng Central Luzon, Calabarzon, and even po diyan… Davao. Naging maayos naman ‘yung daloy ng pagbubukas ng klase,” dagdag pa ng opisyal.

Tiniyak din ng PNP sa mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak sa kabila ng mga insidente ng pagpatay at pagdukot sa kabisera at kalapit na mga lalawigan kamakailan.

Dagdag pa niya na nagpakalat ang PNP ng may 24,000 hanggang 25,000 police personnel ang na-deploy malapit sa mga paaralan sa buong bansa para tumulong na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng face-to-face classes.

“Ang instruction ng ating chief PNP ay i-maintain itong ating police visibility, presence diyan sa ating eskuwelahan, diyan sa ating public transportation terminals para na rin masigurong ligtas sa araw-araw,” ani Fajardo.

Opisyal na nagsimula ang bagong taon ng pasukan noong Agosto 22, kung saan pinapayagan ang mga institusyong pang-akademiko na magpatupad ng distansya o pinaghalo na pag-aaral hanggang Oktubre 31. Simula sa Nob. 2, ang lahat ng paaralan ay kinakailangang lumipat sa mga personal na klase.

Sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong linggo na 28,035,042 mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year 2022-2023. RNT