Balik-F2F classes sa NCR, pag-uusapan ng MMDA at DepEd

Balik-F2F classes sa NCR, pag-uusapan ng MMDA at DepEd

February 1, 2022 @ 2:42 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos na makikipag-ugnayan siya sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot face-to-face classes noong nakaraan,” ayon kay Abalos sa Laging Handa briefing.

Tinukoy ni Abalos ang mga panahon bago pa ipinatupad ang pagsuspinde sa in-person classes nang ang Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemiya, ay inilagay sa Alert Level 3 noong nakaraang Enero 2 hanggang katapusan ng kaparehong buwan sa gitna ng tumaas na bilang ng COVID-19 cases at pag-usbong ng ma nakahahawang Omicron variant.

“We will look into it and have a dialogue with Education Secretary Liling Briones and the rest of DepEd officials so we can resume out pilot face-to-face classes,” dagdag na pahayag ni Abalos.

Matatandaang, August 2021, naipakita sa education group poll na 66% hanggang 86% ng public school students ay bahagyang natuto sa remote learning setup na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang poll, isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement) sa 1,299 public students sa iba’t ibang bansa, ay nagpahayag ng “highest percentage” ng mga bahagyang natuto sa ilalim ng remote learning na 86.7% na niatala sa hanay sa ilalim ng modular learning o iyong mga nag-aaral base sa printed modules.

Sa kabilang dako, 74% ng nasa ilalim ng blended learning (partly online, partly modular) ay nagpahayag na bahagya silang natuto kumpara sa pre-pandemic times.

Iyong mga nasa ilalim ng full online learning ay “were also no better, with 66% saying they learned less.”

Tinukoy sa poll na “majority of student respondents experienced occasional or regular problems with computer access, computer skills, internet cost, internet signal, understanding the lessons and complying with class requirements.” Kris Jose