Balik-joint oil, gas exploration talks sa WPS hirit ng China minister

Balik-joint oil, gas exploration talks sa WPS hirit ng China minister

August 29, 2022 @ 8:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpabatid ang China ng kahandaan na makipagtulungan at muling ituloy ang dayalogo sa Pilipinas ukol sa joint oil exploration sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Minister  Liu Jianchao ng International Department of the Central Committee of the Communist Party of China (IDCPC) sa kanyang pagbisita sa bansa.

“Seems that there are some legal barrier or legal factors that are standing in the way of final consensus. I hope that both sides will move about this issue in a way that is feasible, in a way that (is) practical so that the cooperation could be continued, could be realized,” ani Liu na siya ring nagsilbing Chinese Ambassador to the Philippines mula 2009 hanggang 2011.

“I hope that the discussions will continue. I hope both sides will demonstrate some kind of flexibility… without prejudicing each other’s claims, of their own positions so that the cooperation could happen,” aniya pa.

Matatandaang kinansela ng administrasyong Duterte ang mga pag-uusap sa nasabing joint exploration, na binanggit ang mga limitasyon ng Konstitusyon.

Sa administrasyon naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinahayag ng Tsina ang kagustuhan nito para sa tuloy-tuloy na mabuting relasyon at koordinasyon sa Pinas.

Bukod sa paghingi ng tulong ng Pilipinas sa China para sa sektor ng agrikultura lalo na sa pataba, nakahanda ang Tsina na tumulong din sa pagtatayo ng hydropower, nuclear power, solar at wind energy.

Iminungkahi din ni Liu ang mas malakas na pakikipagtulungan sa Pilipinas sa Belt and Road Initiative (BRI), at mga pinakabagong inisyatiba na inilunsad ni Pangulong Xi Jinping tulad ng Global Development Initiative at Global Security Initiative.

Habang nasa Maynila, nakipagpulong si Liu sa mga opisyal ng Pilipinas kabilang sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi rin ni Liu na handa ang China na salubungin si Marcos para sa isang pagbisita sa China. RNT