Balik-negosasyon sa kinalasang rail project sa Pinas, kinumpirma ng Tsina

Balik-negosasyon sa kinalasang rail project sa Pinas, kinumpirma ng Tsina

July 18, 2022 @ 7:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Balik-negotiating table ang China at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.

Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang Chinese Embassy nang sabihin ni Chavez na binasura na ng Pilipinas ang loan applications para sa three big-ticket railways na kinabibilangan ng Philippine National Railways Bicol project, Subic-Clark Railway Project, at ang first phase ng Mindanao Railway Project— dahil sa hindi pagtugon ng Beijing sa loan application ng Pilipinas simula pa noong 2019.

Napag-alaman na ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang muling pakikipag-negosasyon ng DOTr sa China para sa loan agreements ng tatlong railway projects.

Kaugnay nito, binigyang-diin ng embahada na mayroon nang positive progress upang isulong ang mga proyekto.

Anila, bukas ang China para sa technical discussions sa mga proyekto at handa itong makipagtulungan sa bagong administrasyon ng Pilipinas.

“Our two sides have been negotiating technical issues and made positive progress to move the projects forward,” ayon sa embahada. Kris Jose