Balik-normal na inflation rate, sinisilip sa Q3 ng 2023

Balik-normal na inflation rate, sinisilip sa Q3 ng 2023

January 10, 2023 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng lumapit sa 3 porsyento ang inflation sa Pilipinas sa huling bahagi ng 2023 at sa 2024, ayon kay central bank governor Felipe Medalla noong Martes.

Sinabi rin ni Medalla na nananatiling malakas ang ekonomiya at patuloy itong palalaguin ng pent-up domestic demand.

“By the third quarter of this year, inflation will be back to normal,” aniya.

Tumaas ang annual inflation sa 8.1 porsiyento noong Disyembre, pinakamataas mula noong 2008, mula sa 2 porsiyento-4 porsiyentong target range ng sentral na bangko.

Sinabi ng central bank noong unang bahagi ng kasalukuyang buwang na handa itong gawin ang lahat policy action para maibalik ang inflation sa target.

Magpupulong ang monetary authorities para sa rate setting. RNT/SA