Balik-normal sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo, malabo pa – PRRD

Balik-normal sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo, malabo pa – PRRD

May 25, 2022 @ 12:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi pa umano ito ang tamang panahon para pag-usapan kung paano babalik sa normal ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kailangan munang masolusyonan at matapos ang nagpapatuloy pa ding giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon pa sa Chief Executive, wala siyang nakikitang linaw para mahinto ang giyera ng dalawang bansa at mukhang si Russian President Vladimir Putin ang may ayaw na itigil ang labanan.

Inamin naman ng Pangulo, hindi niya alam kung paano masosolusyonan ang patuloy na taas- babang galaw ng presyo ng produktong petrolyo at ayaw niyang magbigay ng ispekulasyon

“So kung saan natin kunin ‘yung next fuel natin, I really do not — I cannot speculate. Palabas na ako and ewan ko kung how to solve the problem.

You have to solve the war between Ukraine and Russia before we can talk of even returning to normalcy,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Sa pagka ngayon it’s a bleak picture because mukhang ayaw pa ni Putin hintuan ‘yung giyera at ‘yung — ang nakaawa kasi… Ako naman kaibigan ko si Putin eh. Pero the way they are handling the war everyday pati ‘yung mga civilian, binobomba na nila. Putin kaibigan ko man siya. You are in control of everything. Anyway you really started the ruckus there na higpitan mo ang mga sundalo mo,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose