Balikan ang mga pangyayari sa pagbubukas ng 3rd Regular Session ng 17th Congress

Balikan ang mga pangyayari sa pagbubukas ng 3rd Regular Session ng 17th Congress

July 23, 2018 @ 5:16 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari simula sa pagbubukas ng Third Regular Session ng 17th Congress hanggang sa pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte:

6:00 AM—Umugong sa House of Represntatives ang planong pagpapatalsik kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan ilang mambabatas ang nagkumpirma na mayroong Alvarez Ouster Plot na isasakatuparan bago ang State of the Nation Address(SONA) ni Pangulong Duterte at isasagawa ito sa pagbubukas ng unang sesyon ng Third Regular Session ng 17th Congress.

8:00AM- nagkaroon ng kanya kanyang pulong ang partylist groups, minority bloc at ilang partido sa Kamara kung saan tinalakay ang Alvarez Ouster.

8:30AM – Dinaos ang all-member caucus sa Nograles Hall na ipinatawag ni House Majority Leader Rodolfo Farinas. Ang caucus ay para ireport ang Bangsamoro Organic Law(BOL) Bicam ComCon. Dahil nagkakaroon ng pagpupulong ang ibang partido ay nasa 76 mambabatas lamang ang nakadalo sa Caucus kung saan kinumpirma ni Cebu City Rep. Gwen Garcia na bahagya nilang natalakay ang Alvarez Oust subalit wala itong ibinigay na anumangd etalye.

10:00AM—Maayos na nagbukas ang unang sesyon na pinangunahan ni House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan ibinida nito ang mga naging accomplishments ng Kamara pangunahin na dito ang pagpasa sa ilang mahahalagang batas.

10:30AM-nagkaroon ng roll call kung saan 271 mambabatas ang present.

11:00AM– Pinangunahan ni House Majority Leader Rodolfo Farinas ang pagtalakay sa agenda ng Kamara kasama na dito ang natanggap na mensahe sa Senado na naratipikahan na ang BOL at sya ding gagawin sa Kamara.

11:30AM- Sinuspinde ang sesyon bilang paghahanda sa pagratipika sa BOL

12:29AM- nagkaroon ng tensyon sa loob ng Plenary nang mag-move si House Deputy Majority Leader at Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc na mag-adjourn ang sesyon subalit tumututol si Camarines Sur Rolando Andaya Jr na dating Budget Secretary noong noong Arroyo administration  ngunit inaprubahan ni Deputy Speaker  Rep Gwendolyn Garcia ang mosyon at sinuspinde ang sesyon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Maraming nakapansin na nawawala sa harap ng podium ang House Maze, ito ay isang seal na ginagamit sa House of Representatives . Kapag ito ay nakatayo at makikita sa harap ng podium ay tanda na ang sesyon ay nagsimula na subalit kung wala ito sa harap ay walang sesyon. Ang House maze ay sinasabing  sinadyang tinago at ayon sa ilang sources ay binitbit ito palabas ni Pampanga Rep. Rimpy Bondoc.

1:00PM- Kinumpirma ng ilang mambatas na itutuloy ang ouster move laban kay Alvarez at iuupo si Pampanga Rep at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang pagupo ni Arroyo ay suportado umano ng ibat ibat partido kabilang na ang  bNacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC),National Unity Party (NUP), Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan ni Pangulong Duterte at Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Tiniyak ng mga mambabatas na pabor sa Leadership Change na tuloy ang pagupo ni Ginang Arroyo bago ang SONA.

2:20PM- Isang manifesto ang umikot sa Kamara kung saan sinabi ni Buhay Partylist Rep Lito Atienza na ito ay pangangalap ng signature para sa pagpapalsik kay Alvarez pabor sa pagupo ni Arroyo. Ayon kay Atienza nasa 147 pataas na lagda ang kanilang kailangan at kumpiyansa silang mayroon silang numero para mapatalsik si Alvarez.

3:00PM –Nasa 120 mambabatas na ang lumagda sa manifesto pabor sa pagpapalsik kay Alvarez.

3:30PM– Nang magdatingan ang mga Kongresista at mga Senador sa loob ng plenary at biglang humawak ng mikropono si Andaya kung saan sinimulan nitong inanunsyo ang naging resulta ng ipinaikot na manifesto subalit habang nasa gitna ng pagsasalita ay tinanggalan ito ng audio.

Hindi naman natinag si Andaya at tinuloy ang kanyang sinasabi hanggang sa saluhin sya ni House Apppropriations Committee Chairman Karlo Nograles kung saan makikita sa TV screen sa loob ng media center na bagamat walang audio ay malinaw na nagkakaroon ng roll call para sa manifesto.

3:50PM– Makikita sa TV screen sa loob ng media center na nanumpa si Arroyo sa harap ng Benjamin of the House o ang pinakabatang mambabatas alinsunud na tradisyon na si Kabuhayan Partylist Dennis Laogan.

4:00PM: Dumating si Pangulong Duterte sa Batasan Complex lulan ng presidential chopper kung saan sinalubong sya ni Senate President Tito Sotto at House Speaker Pantaleon Alvarez at dumiretso sila sa holding area kung saan dumating din si House Majority Leader Rodolfo Farinas habang si Arroyo ay makikitang nasa podium sa plenaryo at nakaupo subalit ilang saglit pa ay umalis ito at sinasabing  nagtungo din sa holding area kung saan naroroon si Pangulong Duterte.

Mula nang dumating si Pangulong Duterte pasado alas 4:00 ng hapon hanggang sa kaslaukuyan alas 5:00 ng hapon ay nagkakaroon ng close door meeting habang ang mga mambabatas ay naghihintay sa loob  ng plenaryo.(Gail Mendoza)