Balikan.ph inilunsad ng DOT laan sa balikbayans

Balikan.ph inilunsad ng DOT laan sa balikbayans

December 15, 2021 @ 2:44 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang  one-stop site Balikan.ph kung saan iniaalok ang 50 percent discount sa vacation packages na eksklusibo para sa returning overseas Filipinos (OFs) at overseas Filipino workers (OFWs).

Ang Balikan.ph website ay bahagi ng kampanyang “Balikan ang Pilipinas” campaign ng DOT upang mahikayat ang OFs at OFWs na umuwi ngayong holiday season at maglakbay sa Pilipinas kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

“Through the Balikan.ph website, we can offer great travel deals from airlines and DOT-accredited hotels, resorts, and tour operators to our Balikbayans and their families,” saad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“This is one way to make their visit here more affordable and fun, especially after a long separation caused by the pandemic.”

Ilalagay naman ang iba’t ibang travel promotions at packages sa naturang website.

Tatagal naman ang nasabing kampanya hanggang Marso 2022. RNT/FGDC