Balikatan amphibious exercise ipinagpatuloy sa Cagayan

Balikatan amphibious exercise ipinagpatuloy sa Cagayan

March 31, 2022 @ 3:13 PM 3 months ago


CAGAYAN – Itutuloy ngayong araw ang Amphibious Exercise sa karagatang sakop Claveria, Cagayan matapos na hindi natuloy kahapon.

Ayon kay Major  Emery Torre, Public Affairs Officer ng Marine Mobile Landing Team 6 na dahil sa hindi magandang lagay ng panahon Kahapon ay ipinagpaliban ang Amphibious Exercise sa Claveria, Cagayan at  ngayong araw na lamang isasagawa.

Ang ‘amphibious operations’ and ‘amphibious landing’ na isasagawa ngayong araw  ay bahagi ng Balikatan Exercises 2022 at  lalahukan ng mga kasapi ng Philippine-U.S. Marine Corps.

Ang amphibious operations ay isang maritime manuever habang ang amphibious landing ay isang coastal defense scenario.

Ayon kay Major Torre ang Amphibious Operations ay maritime Manuever at magkakaroon ng Scenario na dedepensahan ang area ng Claveria at dito ay ipapadala ang pinagsanib na puwersa ng Philippine at U.S. forces.

Makikita rin ang mga air assets ng Pilipinas at Amerika na lilipad sa air space habang nagsasagawa ng amphibious exercise sa Claveria. Rey Velasco