Balimbing na pulitiko, parusahan-Arroyo

Balimbing na pulitiko, parusahan-Arroyo

August 4, 2022 @ 3:31 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong parusahan ang political turncoatism o mga pulitikong balimbing na nagpapalit ng partido bago at matapos ang eleksyon.

Sa oras na maisabatas ang panukalang “Political Party Development Act of 2022” ni Arroyo ay iimplementa ito sa lahat ng political parties na rehistrado sa Commission on Elections, gayunpaman hindi sakop ng panukala ang merger o coalition ng political parties at sa kaso ng expulsion ng isang opisyal ng partido.

Sa ilalim ng panukala, ang isang miyembro ay hindi maaaring magpalit ng political party affiliation isang taon bago at isang taon pagkatapos ng national election.

Nakasaad sa panukala na ang sinumang lalabag ay maaaring tanggalan ng kanilang elective office, madidiskuwalipika sa pagtakbo sa elective position sa susunod na eleksyon, madidiskuwalipika na ma-aappoint sa anumang public o government office sa loob ng 3tatlong taon; diskuwalipika din na maitalaga sa executive o administrative position sa bagong political party at pagrefund ng 25% ng anumang halaga na natanggap nito sa kanyang dating political party at 25% na surcharge fee.

Ang sinomang magbabalimbing at lilipat ng partido ay maaaring ipadiskuwalipika ng sinumang citizen na maghahain ng reklamo sa Comelec. Gail Mendoza