Balisacan, dedma sa minimum wage hike calls sa gitna ng inflation

Balisacan, dedma sa minimum wage hike calls sa gitna ng inflation

March 1, 2023 @ 8:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – “We can’t do that! “

Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan bilang tugon sa panawagan na magpatupad ng minimum wages sa gitna ng pagsirit sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Katuwiran ni Balisacan, makapipinsala o makasisira ito sa local economy.

“If we want to bring this country to the league of our neighbors, the safest thing to do to increase wages is by way of expanding economic activities,” ani Balisacan sabay sabing “and that means a lot of investments that need to be made to complement labor.”

At habang binabayo ng mataas na presyo ng mga bilihin ang mga Pinoy, sinabi ni Balisacan na tinutugunan ng pamahalaan ang “very low productivity” sa agrikultura sa pamamagitan ng pamumuhunan sa tamang lugar gaya ng “improving irrigation and access to markets, as well as technology.”

Matatandaang, nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iprayoridad ang umento sa suweldo ng mga manggagawa.

Ito’y sa gitna na rin ng mataas na inflation, pagtaas ng presyo ng langis na nagbunsod sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gayundin sa grumagrabeng sitwasyon ng ekonomiya sa bansa.

Sa kabilang dako, ang kasalukuyang minimum wages ay mula ₱533 hanggang ₱570 kada araw sa National Capital Region, habang ang mga manggagawa naman sa labas ng NCR ay nakakakuha ng ₱306 hanggang ₱470.

Ang Inflation, sa kabilang dako ay sumirit sa 8.7% nito lamang Enero. RNT