Balisacan: Investment pledges sa state visits ni PBBM ‘di pa matutupad

Balisacan: Investment pledges sa state visits ni PBBM ‘di pa matutupad

October 18, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Matatagalan bago mag- “materialize” ang investment pledges sa state visits ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan nitong Martes.

Sa Palace briefing, tinanong si Balisacan kung nag- “materialize” na ang investment pledges sa state visits ni Marcos sa Indonesia at Singapore maging ang kanyang working visit sa United States kahit na sa initial stages pa lamang.

“As been earlier reported, there are many of those intentions and pledges but you know major investments are usually… usually take time to materialize. It’s actually fast when you get those investments in one year because when people, investors go to a country or expand their operation in the country, they’ll do their work to ensure their investments will deliver their returns,” pahayag ni Balisacan.

“As usually the case, you don’t expect that when they promise they come in, the next day they are there. That’s not the real world,” patuloy niya.

Nauna nang sinabi ni Marcos na ilang letters of intent at memorandums of understanding hang nilagdaan kasama ang Indonesian at Singaporean investors ukol sa P804.78 bilyong halaga ng investments.

Inilahad ng Pangulo na may kinalaman ang LOIs at MOUs sa sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agriculture.

Inihayag din ng Malakanyang na ang working visit ni Marcos sa US ay posibleng umabot sa halos $4 bilyong halaga ng investments, na pwedeng makalikha ng 112,285 trabaho.

Samantala, tinanong din si Balisacan ukol sa investmentsna umano’y nakalap ni Marcos sa Singapore trip kung saan nanood siya ng Formula One Grand Prix o F1 kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya.

“I don’t have the number, I don’t have… I was not privy to those numbers but I think those were shared already earlier… But again, let me emphasize that a big part of the efforts to bring in investments to the country are like a courtship. You have to keep pitching to the attractiveness of the Philippines as an investment destination,” tugon ni Balisacan.

“It’s not enough often that you talk once with them. You talk twice. It has to be a frequent follow-up,” dagdag niya.

Iginiit ni Marcos na ang Formula 1 racing ang pinakamainam na paraan “to drum up business” at tinawag ang itong produktibo. Subalit, wala pang inilalabas na impormasyon ang Palasyo ukol sa investments na nakalap niya sa naturang pagbisita. RNT/SA