Balitang pagbibitiw ni Bersamin, black propaganda lang

Balitang pagbibitiw ni Bersamin, black propaganda lang

March 14, 2023 @ 2:31 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – MARIING itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ulat na nagbitiw siya sa puwesto.

Para ka Bersamin, malinaw na ito’y isang black propaganda laban sa kanya.

“Rumors are not true. They are black propaganda against me,” ani Bersamin sa isang text message.

Nauna nang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si ES Bersamin.

Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bersamin na dating Chief Justice noong Setyembre 2022.

Mismong kay Marcos nanumpa si Bersamin noong nakaraang taon. Pinalitan ni Bersamin si da­ting Executive Secretary Vic Rodriguez na una nang nagbitiw sa puwesto matapos maiugnay ang pangalan sa planong pag-aangkat noon ng 300,000 metrikong toneladang asukal.

Kabilang si Bersamin sa mga mahistrado na pumabor na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang ama ng Pangulo na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. RNT