Balitang patay na si Australian player Kickert, Fake News!

Balitang patay na si Australian player Kickert, Fake News!

July 5, 2018 @ 6:11 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Fake news ang kumakalat na balitang natagpuang patay sa pamamaril sa loob ng isang hotel sa Pasay City si Australian Boomers player Daniel Kickert.

Si Kickert ay isa sa 13 mga player na nasipa sa laro matapos ang rambulan na naganap noong Lunes, July 2 sa Philippine Arena sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers.

Kasunod nito ang mga hoax o mga mapanlinlang na balita kung saan makikita ang isang litrato ng bangkay na naka-black and white habang may headline na “Aussie Player who started the fight with Gilas players found dead in a hotel room in Pasay.”

Kahapon ay ibinalita rin ng Remate Online na lumapag na sa kanilang bansa ang koponan kasama ang nasabing player.

Mapapatunayan ito ng kanyang mga litrato na kinuha ng mga reporter na nag-aabang sa paliparan. (Remate News Team)