Balitang spotted si Kris na nagsa-shopping, fake news!

Balitang spotted si Kris na nagsa-shopping, fake news!

November 15, 2022 @ 11:07 AM 2 weeks ago


Los Angeles, USA – Nanganak na nang nanganak ang mga kuwento tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino.

Hindi tuloy malaman ng publiko kung alin doon ang kumpirmadong totoo.

Tulad na lang ng kumakalat na balitang sa 2023 ay makakauwi na raw si Kris from her US treatment.

Sa ngayon ay nasa Los Angeles ang dating aktibong TV host mula Texas.

Pero tila nagkaroon ng linaw ang tunay na kundisyon ni Kris base sa tinalakay na paksa sa programang Showbiz Now Na ni Cristy Fermin kasama sina Morly Alinio at Rommel Tsika.

Paano raw makakabalik ng bansa si Kris kung may mga medical issues pang dapat i-address.

Unang- una na raw ang kawalan ng kakayahan ni Kris na lumakad.

Nagagawa lang daw niya ito pag inaasistehan siya ng kanyang personal assistant o attending nurse.

Most of the time daw ay naka-wheelchair lang si Kris.

Hindi pa rin daw nakakakain ng solid food si Kris.

Natatakot daw itong kumain ng solids dahil baka makaapekto raw ito sa kanyang allergy.

Hindi rin daw totoong nadagdagan ang timbang nito. Payat pa rin ito tulad ng huling ibinalita niya.

At lalo raw na walang katotohanan ang kumalat na balitang nagsa-shopping siya sa isang mall doon.

Hindi tiyak na gugustuhin ni Kris na mag-shopping while wheelchair-bound.

Ang tiyak lang daw ay gusto nang umuwi ni Joshua sa bansa dahil nami-miss na nito ang kinalakhang Hacienda Luisita sa Tarlac, habang si Bimby naman ay nakatutok sa maysakit na ina. Ronnie Carrasco III