Road repairs ikakasa ng DPWH ‘gang Abril 3 – MMDA

April 1, 2023 @1:13 PM
Views: 6
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na posibleng makaranas ng pagkakabuhol-buhol ng trapiko dahil sa mga ipatutupad na road repairs sa National Capital Region ngayong weekend.
Ito ay dahil nagsimula na ang pagsasaayos ng mga kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon, Marso 31, at tatagal hanggang Abril 3 sa ilang bahagi ng EDSA, C5, A. Bonifacio Avenue at Commonwealth Avenue.
Ayon sa MMDA, magsasagawa ang DPWH ng road reblocking sa mga sumusunod na lugar:
C-5 Road SB sa pagitan ng Lanuza Ave. at Green Valley Footbridge, Brgy. Ugong (truck lane), Pasig City
C-5 Road makaraan ang Elevated U Turn Slot (3rd lane mula sa median Island), Pasig City
Edsa SB malapit sa Estrella St. at malapit sa Ayala Ave., Makati City (Rotomilling/ Asphalt Overlay Only)
Edsa NB malapit sa MRT Buendia Station (Innermost lane), Makati City
Edsa SB harap ng Uni Oil at bago ang Bansalangin St. (Outer lane/ 1st lane mula sa sidewalk), Quezon City
Edsa SB bago ang Dario Bridge at harap ng Lemon Square Bldg. (Outer lane/ 1st lane mula sidewalk), Quezon City
Luzon Ave. NB flyover hanggang Congressional Ave. Ext. (Inner lane/ 1st lane mula sa plant box), Quezon City
Commonwealth Avenue WB Doña Carmen St. hanggang Odigal St. (4th lane mula sa gitna); at corner Riverside St. (1st lane mula sa gitna), Quezon City
Edsa NB mula Mahal Kita Hotel hanggang Taft Ave. (2nd lane mula median Island)
A. Bonifacio Ave. SB corner Sgt. Rivera (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City
C-5 Service Road SB, Bagong Ilog bago mag-stop light patungong Pasig Blvd. Ext. (Bahagi ng 1st at 2nd lanes), Pasig City
Ayon sa MMDA, tuluyan nang madaraanan ang mga kalsadang ito pagsapit ng alas-5 ng umaga ng Lunes, Abril 3. RNT/JGC
Ramon Ang umamin, naging kliyente ng lumubog na barko sa Mindoro

April 1, 2023 @1:00 PM
Views: 10
MANILA, Philippines – Aminado si San Miguel Corporation President at CEO Ramon Ang na naging kliyente na rin siya ng RDC Reield Marine Services (RDC).
Ang RDC ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa dagat na sakop ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28 na nagresulta sa oil spill at nakaapekto sa mga probinsya ng Mindoro, Antique, Palawan at maging sa Verde Island sa Batangas.
“We are one of the clients of that vessel, I don’t want to name the other companies. There are several companies that company is supposed to deliver oil to, not only us,” sinabi ni Ang sa panayam kasabay ng paglulunsad ng Battery Energy Storage System sa Limay, Bataan.
Wala ring komento si Ang patungkol sa naturang isyu.
Ang MT Princess Empress ay may kargang 900,000 litro ng industrial oil fuel at patungo sana ito sa Iloilo nang lumubog dulot ng engine failure.
Samantala, humihingi naman ng bayad-anyos ang mangingisda at apektadong residente dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila pinapayagang mangisda dulot ng oil spill. RNT/JGC
PH seafarers’ certificates patuloy na kikilalanin ng EU

April 1, 2023 @12:33 PM
Views: 18
MANILA, Philippines – Patuloy na kikilalanin ng European Union (EU) ang certificate ng mga Filipino seafarer.
Matatandaan na Pebrero noong nakaraang taon ay hinimok ng EU ang Pilipinas na pagbutihin ang hakbang nito upang makatugon ang mga marino sa Standards of Training, Certification, at Watchkeeping for Seafarers Convention, kasabay ng banta na posibleng hindi na kilalanin ang kwalipikasyon ng mga Filipino seafarer at mawalan ng trabaho sa mga EU flag-carrying vessel.
Sa ulat, hindi pa nakakapasa sa European Maritime Safety Agency (EMSA) evaluation ang Pilipinas mula 2006.
“Since then, the Philippines has made serious efforts to comply with the requirements, in particular in key areas like the monitoring, supervision, and evaluation of training and assessment,” pahayag ng European Commission nitong Biyernes, Marso 31.
Ani EU Commissioner for Mobility and Transport Adina Vălean, “we appreciate the constructive cooperation with the Philippine authorities and welcome their efforts to improve the system for training and certifying seafarers.”
Ipinunto niya rin na ang Pilipinas ay nagbibigay ng significant at valued part sa European at global shipping industry sa
maritime workforce, kung saan mayroong 50,000 Filipino seafarers ang kasalukuyang nagtatrabaho sa mga EU flag vessels.
“The Philippines can count on our technical support to further improve the implementation and oversight of minimum education, training, and certification requirements, as well as living and working conditions,” dagdag pa ni Vălean.
Layon din ng European Commission na magpaabot ng technical assistance sa bansa upang mapabuti pa ang sistema sa seafarer education, training at certification. RNT/JGC
Pinakamataas na dibidendo ng Pag-IBIG fund, ibinida ni Pangulong Marcos

April 1, 2023 @12:20 PM
Views: 24
MANILA, Philippines – Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinakamataas na dibidendo ng Pag-IBIG fund mula nang tumama ang COVID-19 pandemic.
Ito’y makaraang umabot sa 6.35 percent ang regular saving dividend rate nito noong 2022 at lumobo sa 7.03 percent per annum ang modified pag-ibig 2 (mp2) savings.
Ang dividend rates sa savings ng mga miyembro ng ahensya ang tampok sa Pag-IBIG fund chairman’s report for 2022, kung saan nagbigay ng mensahe si Pangulong Marcos, sa harap ng members, partners at stakeholders.
Sinabi ng punong ehekutibo na ipinagmamalaki niya ang matagumpay na pagbibigay ng affordable shelter financing ng Pag-IBIG na itinatag noong panunungkulan ng kanyang ama na si yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Naitala ng Pag-IBIG fund ang best performing year nito noong 2022 makaraang pumalo sa record high ang net income nito na P44.50 billion na mas mataas ng 28% mula sa P34.69 billion noong 2021. RNT
Suspek sa pagnanakaw, patay sa shootout

April 1, 2023 @12:07 PM
Views: 36
MANILA, Philippines – Patay ang isang hinihinalang suspek sa pagnanakaw nang makipagpalitan ito ng putok sa pulistya sa Brgy. Ligtong, Noveleta, Cavite.
Sa ulat, kinilala ang biktima na si Alben Robert Herrera, 18 anyos, binata nakatira sa Brgy. Malainen, Naic, Cavite.
Base sa report, nakipag-ugnayan ang Maragondon Municipal Police Station (MPS) sa Noveleta MPS para sa pag-aresto kay Herrera na suspek sa ilang serye ng robbery incidents sa Maragondon matapos na nakatanggap ng tawag na nagtago ang suspek sa Brgy Ligtong, Noveleta, Cavite.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang kapulisan ganap na alas-10:45 ng gabi kung saan namataan ang suspek sa Brgy Salcedo II, Noveleta, nasabing lugar, at dito na nakipagpalitan ng putok ang suspek kung kaya’t gumanti ang mga operatiba.
Tinamaaan sa leeg ang suspek na nagresulta ng kanyang kamatayan.
Narekober kay Herrera ang isang isang Glock 17 pistol na baril, tatlong basyo at isang cellphone. Margie Bautista