Bam at Viel Aquino, spotted sa premiere night ng Ako Si Ninoy!

Bam at Viel Aquino, spotted sa premiere night ng Ako Si Ninoy!

February 19, 2023 @ 12:45 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Ipinakita ng Aquino family ang kanilang suporta sa pelikulang Ako si Ninoy, a film by direk Vince Tanada.

Sa red carpet premiere night na ginanap sa Rockwell Cinema ay spotted ang former senator Bam Aquino, pamangkin ni dating senador Ninoy Aquino. Spotted din si Victoria Viel Aquino-Dee, ang pang-apat na anak ng dating pangulong Corazon at Ninoy Aquino. Si Viel ang sumunod kay Pangulong Benigno Aquino III at nakatatandang kapatid ni Kris.

Nagbigay pa ng mendahe si Bam sa kanyang pinsang si Kris na sa kasalukuyan ay maysakit at nagpapagamot sa Amerika.

“I really hope that everybody will pray for her,” sabi pa ni Sen. Bam.

Tahimik lang naman si Viel na nanood lang ng kabuan ng pelikula at hindi masyadong nagpa-interview.

Nasa premiere night din si Direk Joel Lamangan.

Si Vince Tanada ang nagdirek at nagsulat ng pelikulang Ako si Ninoy.

“Pasensya na kayo dahil nanloko po ako. Hindi po ito tungkol kay Ninoy, hindi ito biopic ni Ninoy. Ayoko pong magalit si Ninoy at Cory. Tungkol ito sa atin bilang isang nasyon, tungkol sa ating kababayan.

“At pagkatapos akong libakin mg ilan, I still have faith in the Filipino people,” sabi pa ni direk Vince na naging biktima rin ng bashing sa kanyang kontrobersiyal na pelikula na Katips.

Dagdag pa niya, “Sa pammaagitan ng pelikuiulang ito, sana masabi pa rin natin na the Filipino is worth living for and worth fighting for, and worth dying for.”

Nagbigay din ng message ang buda mg pelikula na si JK Labajo who gave life to the role of Ninoy.

“Without our history, wala tayong future. Sana, e, magustuhan niyo ang pag-portray ko kay Ninoy,” sabi niya.

Showing na sa February 22, 2023 ang movie on selected theaters. JP Ignacio