Bam kay Leni: Fake news, kasinungalingan labanan!

Bam kay Leni: Fake news, kasinungalingan labanan!

December 6, 2021 @ 8:30 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni dating Senador Paolo Benigno ‘Bam’ Aquino IV si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na maging mapagmasid sa mga kasinungalingang ipinapakalat sa internet.

Sa pamamagitan ng online meeting na ikinasa ng The Heroes Overseas Tropa, Filipino Overseas for Leni and Kiko at Leni for President Movement, sinabi ni Aquino na siya ring tumatayong political strategist at campaign manager ni Robredo, na kagyat na ireport ang mga fake news na makikita sa internet.

Dumirekta na umano sa mismong social media sites o computer application owners ang sumbong upang maitama o maalis ang mga maling impormasyon.

Isa umano sa talamak na kalakaran sa internet ay ang pagpapakalat ng mga manipulated image at mga fabricated article na kung maaalis ay makatutulong sa pagpapakalat naman ng katotohanan.

Idiniin rin niya na magface-check muna bago magpakalat ng mga mensahe online.

Tiwala naman si Aquino na napalilibutan si Robredo ng mga kwalipikadong indibidwal na sumusuporta sa kanyang mga polisiyang may kaugnayan sa kalusugan, edukasyon, ekonomiya at iba pang aspeto ng lipunan. RNT