Bamboo, bet si Jane de Leon!

Bamboo, bet si Jane de Leon!

June 27, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Maganda ang role ng young actor na si Bamboo sa 2-part series na Genius Teens na nagkaroon ng special screening sa SM Cinema 10 ng Megamall.

Bamboo gave life to the character of Sammy na may special power na laser. Pinagmamalaki niya ang nasabing movie dahil may redeeming value raw ito at siguradong maraming viewers ang makakapulot ng aral dito.

Kung matatandaan ay si Bamboo din ang naging lead young actor sa pelikulang Caught in the Act.

Inamin din ni Bamboo na kung posible ay bet niyang maka-loveteam si Jane de Leon, ang Kapamilya actress na gumaganap ngayon sa TV series na Darna.

“Matagal ko nang napapanood si Jane sa TV and if I will be lucky na maging Kapamilya, sana, makatambal ko si Jane,” sabi pa niya.

FYI ay isa ring recording artist si Bamboo na may tatlong singles na gawa ng acclaimed composer na si Vehnee Saturno.

Ang ‘Sagutin Mo Ako’ at ‘Pwede bang Maging Tayo’ ang dalawa sa mga hugot songs na pinasikat ni Bamboo na sa ngayon ay nag-e-enjoy ng maraming hits sa YouTube. JP Ignacio