Ban ng plastic straw, stirrer, isinumite ni Senator Hontiveros

Ban ng plastic straw, stirrer, isinumite ni Senator Hontiveros

July 6, 2018 @ 10:18 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Isinumite ni Senator Risa Hontiveros ang isang bill para sa ban ng mga single-use plastic straws at stirrers, kahapon (July 5) upang makabawas sa basura na lubusang nakakaapekto sa pagkasira ng mga anyong tubig.

Pilipinas ang pangatlo sa may pinakamalaking kontribusyon sa plastic waste sa karagatan na pinangungunahan ng bansang China at Indonesia, sabi ni Hontiveros base sa kamakailang waste audit.

Sinasabi rin sa audit, may natagpuang anim na garbage patches sa karagatan, ang pinakamalaki ay ang Great Pacific Garbage Patch na mayroong 79,000 tons ng plastic debris na may laki na 1.6 million square kilometers, doble na ng laki ng France.

Sa statement ni Hontiveros, sinasabi sa kaniyang Senate Bill No. 1866, “bans establishments from offering consumers single-use plastic straws and stirrers, the most common plastic products found in oceans.”

Sinabi rin sa isinumiteng batas na ang mga food establishments at iba pang service providers na mayroong sariling puwesto gaya ng sari-sari store ay kailangang maglagay ng sign na nagpapaalam sa mga costumer nito ang polisiyang “no plastic straw and stirrer.”

“The measure seeks to effect positive behavioral change among our people. We hope straws and stirrers will become ‘gateway plastics’ to convince people to shift from using plastic to reusable products,” sabi pa ng senador.

“If we can persuade the people of the positive effects of not using plastic straws and stirrers, we can also encourage them not to use other single-use plastics such as bags and bottles,” sabi pa niya.

Sa ilalim ng bill, ang mga food service establishments ay maaari lamang na magbigay ng straw kung ito ay kailangan o ni-request ng mga costumer na mayroong kapansanan o medical condition.

Ang mga establisiyemento na susuway sa ban ay mabibigyan ng fine na P50,000 sa unang paglabag, P80,000 sa pangalawa at P150,000 kasama ng isang taong suspensiyon ng business permits para naman sa ikatlong paglabag, ayon sa isinumeteng bill. (Remate News Team)