Ban sa cured pork meat products mula Italy, inalis na

Ban sa cured pork meat products mula Italy, inalis na

January 27, 2023 @ 10:54 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inalis na ng Pilipinas ang temporary ban sa cured pork meat products mula Italy.

Matatandaan na ipinatupad noong Agosto 2022 ang ban sa produktong ito ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa serye ng mga outbreak sa African swine fever (ASF) sa Europa.

Sa memorandum order na pirmado noong Disyembre 28 ng Department of Agriculture na inilabas naman ng FDA nitong Huwebes, Enero 26 inalis ang ban: “following the minimum standard and parameters to achieve appropriate level of protection and inactivation of ASF virus.”

Dagdag pa, ayon sa Import Risk Assessment ng DA noong Nobyembre 8, nakita na mababa an overall estimated risk ng ASF sa cured meat gaya ng dry-cured hams.

Samantala, hindi naman sakop ng naturang kautusan ang iba pang pork meat products mula Italy.

Kabilang pa sa mga ipinagbawal ng Pilipinas na pag-angkatan ng mga karneng baboy at meat products ay ang Thailand, Zimbabwe, Malaysia, Indonesia, Greece, Myanmar, Serbia ,Slovakia, South Korea, Germany, at Czech Republic. RNT/JGC