Ban sa foreign ship sa bansa, muling inihirit sa Kamara

Ban sa foreign ship sa bansa, muling inihirit sa Kamara

October 26, 2022 @ 5:11 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – “No Chinese ship should enter our waters without our approval.”

Ito ang inihayag Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa paghain ng panukalang House Bill 2465 na naglalayong i-ban ang mga dayuhang barko na papasok sa karagatan ng bansa.

Ang nasabing panukala ay una nang naipasa sa Kamara noong 18th Congress subalit hindi ito lumusot sa Senado kaya naman muli itong inihan ni Rodriguez ngayong 19th Congress.

“I have refiled my bill and I urge Congress to approve it. No Chinese or any vessel should be allowed in our waters without our approval unless for innocent passage in the designated archipelagic sea lanes,” paliwanag ni Rodriguez.

Sa ilalim ng House Bill 2465 o “An Act establishing the archipelagic sea lanes in the Philippine archipelagic waters, prescribing the rights and obligations of foreign ships and aircraft exercising the right of archipelagic sea lane passage” ay papatawan ng parusa ang anumang Chinese o foreign ships o maging eroplano na papasok sa teritoryo ng bansa ng walang pahintulot.

“The vessels or planes shall not deviate more than 25 nautical miles from the designated passage routes. They shall not make any activity other than transiting expeditiously. They shall not make any threat against the sovereignty, territorial integrity or political independence of the Philippines.
Transiting ships and planes shall be prohibited from conducting any oceanography or hydrographic survey or research activity unless permitted by the Philippine government,” nakasaad sa panukala.

Sa oras na maisabatas ay itatakda ng Pangulo ng bansa ang rules and regulations kaugnay sa pagpasok ng mga dayuhang sasakyang pandagat at sinumang lalabag dito ay papatawan ng 6 na buwang hanggang 2 taong pagkakakulong at multa na $1.2 milyon.

Kung ang may-ari ng barko ay korporasyon, ang parusa ay ipapataw sa Presidente nito. Gail Mendoza