Ban sa pagbili ng mga dayuhan ng bahay sa Canada, ikinasa

Ban sa pagbili ng mga dayuhan ng bahay sa Canada, ikinasa

January 2, 2023 @ 11:10 AM 1 month ago


OTTAWA, Canada- Epektibo ang ban sa pagbili ng mga dayuhan sa residential property sa Canada nitong Linggo, upang gawing available ang mga tahanan sa mga lokal na nahaharap sa “housing crunch”.

Pinapayagan naman ang ilang indibidwal gaya ng refugees at permanent residents na hindi citizens na makabili ng mga bahay.

Nitong Disyembre, nilinaw ng Ottawa na kasado ang ban sa city dwellings at hindi sa recreational properties gaya ng summer cottages.

Ang temporary two-year measure ay iminungkahi ni Prime Minister Justin Trudeau sa 2021 election campaign nang tumaas ang halaga ng home ownership para sa Canadians.

“The desirability of Canadian homes is attracting profiteers, wealthy corporations, and foreign investors,” anang kanyang Liberal Party sa election plank.

“This is leading to a real problem of underused and vacant housing, rampant speculation, and skyrocketing prices. Homes are for people, not investors.”

Kasunod ng pagkapanalo sa 2021 election, ikinasa ng Liberals ang Prohibition on the Purchase of Residential Property by Non-Canadians Act. RNT/SA