Ban sa plastic bottled water isinusulong sa Kamara

Ban sa plastic bottled water isinusulong sa Kamara

August 18, 2022 @ 5:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kasunod ng panawagan sa Senado na gumamit ng water tumblerang mga Senador tuwing may mga pagdinig, sa House of Representatives ay nais naman ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson na huwag na ring gumamit ng plastic bottles.

Sa House Resolution No. 242 ni Singson, sinabi nito sa mga concessionares sa Kamara ay nagbebenta pa rin ng bottled water at ang mga house members at guest ay ganito pa rin ang ibinibigay.

“The Lower House must be more conscious of the devastating impacts of using plastic bottles to the environment and must therefore refrain from using them,” pahayag ni Singson na isang kilalang environmentalist.

Hinimok ni Singson ang mga kapwa mambabatas na simulan ang pagtigil na sa paggamit ng plastic bottles.

“Should the Lower Chamber move to stop the use of plastic bottles, this will signal the beginning of a policy reform,”ani Singson.

Matatandaan na una nang ipinanukala ni Sen. Pia Cayetano na gumawa ng hakbang ang Senado para magkaroon ng environmentally sustainable practices at isa sa mamaaring gawin ay gumamit na lang ng tumbler ang mga Senador.

Sinabi ni Singson na kaisa ng Senado ang Kamara sa adhikaing ito.

β€œWe want the Senate to know that the House is one with them in this endeavor. As representatives of our people, we must commit ourselves to heal Mother Earth by instituting a β€˜green’ government office, and serve as a role model for other government institutions to emulate,” pagtatapos naman ni Singson. Gail Mendoza